Monday, June 05, 2006

(for BANDERA, June 06 issue)

Dear David,
LAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 18, 1970. Isa akong konduktor ng bus pero maliit lang ang kita ko. May dalawa akong pamilya. Hindi alam ng original na may iba akong asawa at may isa ring anak. Pero, nahihirapan ako sa ganitong klase ng buhay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ARMAND NG DAVAO CITY

Dear Armand,
KARANIWAN madalas mapagitna sa kontrobersiya ang tulad mong may mahiwagang No.9 at tipikal ding masadlak sa mga bawal na relasyon. Gayunman, maraming pagkakataon na ang mismong pakikipagrelasyon sa opposite sex ang nagagamit nitong pundasyon sa katuparan ng kanyang pangarap. Karaniwan kasing sa panahon ng kabataan ay natatangay sila ng simbuyo ng damdamin pero sa katagalan ay natututuhan niyang kontrolin ang emosyon kaya't magaan din niyang natuturuan ang puso. Taglay mo rin ang mahiwagang No.1 kaya't ang buhay mo ay tulad ng alon ng dagat-- minsan ay tagumpay at minsan ay kabiguan. Hindi mananatiling nasa itaas ka at paghandaan mo ang pagbagsak.Pero mabilis ka ring nakakarekober. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Abril , Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Kulay pula at dilaw ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No.9 at No.1 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-34-36-40-42.ASSET tips: 5-7-2/ 6-8-3/ 8-2-1. Wiretips: 3-5-8/ 9-2-5/ 1-4-10/ 8-9-3. Double digit; 6-9/ 1-6/ 9-3. Luzon guide: 1-5-11-19-23-26-34-37-40-42. VisMin: 5-7-11-19-23-27-34-36-40-42. MegaLotto; 4-7-11-19-23-25-34-37-40-42. Four Number; 6-7-2-5/ 8-9-2-1/ 6-1-1-5. Coded tips: papaya- saging- pakwan/ blue- red- black/ h-a-t.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home