Wednesday, May 10, 2006

Eight n two

(for BANDERA, for: May 11 issue)

Dear David,
ISA ako sa masugid mong tagasubaybay. Ikatlong sulat ko na ito pero hindi ako nagsasawang magpadala. Gusto ko kasing malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong team leader sa isang networking business at napapansin kong masyado nang matumal na ngayon ang benta kaya’t nawawalan na rin ako ng gana. Bigyan mo ako ng teknik para dito. Ipinanganak ako noong Abril 17, 1970. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

BENJIE NG DAVAO CITY
Dear Benjie,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang No.8 ay makaranas ng maraming pagsubok pero malalampasan mo ito na siyang magpapasimula ng iyong dambuhalang pag-unlad. Taglay mo rin kasi ang mahiwagang No. 2 na nagsasabi na maraming pangarap mo ang matutupad. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa tulad ng real estate at agribusiness. Buwenas ka sa kulay itim at berde. Kung kasali ka sa networking, konsentrasyon, disiplina at malinaw na plano ng mga aktibidad ang susi sa iyong pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 at 2009 kung saan may isang sorpresang proyekto ang magkiklik na magpapasimula ng iyong pag-unlad. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Lunes. Magsuot ka lagi ng kombinasyon ng berde tuwing may mahalagang transaksiyon at magugulat sa mga magiging resulta. Sa jai alai, isama mo sa No.8 at No. 2 ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-28-34-37-40-42. ASSET tips: 2-6-1/ 8-9-3/ 4-3-6/ 7-2-4.Wiretips: 2-3-7/ 8-4-6/ 3-4-1. Double digit; 6-8/ 1-7/ 9-3. Luzon guide: 3-7-11-18-23-27-34-37-40-42., VisMin: 4-7-11-19-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-28-34-37-40-42. Four Number: 4-5-7-2/ 1-6-2-7/ 8-2-3-2. Coded tips: black- yellow- green/ pinya- pakwan-mangga/ h-s-y.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home