Sunday, January 22, 2006

Seven n One

Dear David,
HINDI ako nagsasawang sumulat saiyo.Mahilig kasi akong tumaya sa jai alai at lotto, bigyan mo ako ng gabay ditto pero huwag mo nang ipagsasabi, nahihiya kasi ako ng mga kaibigan ko. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ipinanganak ako nong Abril 7, 1970. May tatlo akong anak na nag-aaral. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?


TEDDY NG ILIGAN CITY

Dear Teddy,
NUMBER seven (7) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Matalas ang iyong imahinasyon kaya’t kung papasok ka sa negosyo ay dapat yung mga kalakal o produkto na ginagamitan ng magagarang desenyo. Kung mahilig ka naman sa sugal, magsuot ka ng mga damit o kagamitan sa katawan na maraming borloloy o mga palawit. Sa sinturon, mas buwenas ka kung makulay ito o may kakaibang desenyo ang buckle at leather nito. Tumaya ka sa lotto, outlet na malapit sa ilog o mineral water store. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Mayo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 12, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Kulay berde at dilaw ang buenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No.1 ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 2-6-11-18-23-25-34-36-40-42. ASSET tips; 4-8-1/ 3-4-8/ 4-1-3/ 8-2-4. Wiretips: 5-8-2/ 1-3-5/ 6-9-2. Double digit; 6-9/ 2-5/ 3-3. Luzon guide: 2-6-11-18-22-28-23-26-30-34-37-40-42. VisMin: 3-6-11-18-22-28-34-36-40-42. MegaLotto: 2-7-11-19-23-26-34-37-40-42. Four Number: 5-4-8-1/ 1-2-5-2/ 7-2-1-4. Coded tips: okra-patola- sitaw. Tokyo-Bangkok- Taipei/ n-r-a.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home