Friday, January 13, 2006

mga anak hinati (14jan06)

Bandera—14jan06

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From; David Smith, Galaw ng Numero

Dear David,
MAY apat akong anak pero nagkahiwalay kaming mag-asawa. Naghati kami sa aming anak—dalawang bunso ang napunta sa akin, babae at lalaki. Napunta sa kanya ang parehong panganay na babae at lalaki rin. Sa ngayon may bago nang kinakasama ang mister ko. Pero ako naman ay umiiwas sa pakikipagrelasyon kahit marami ang nanunukso sa akin. May maliit akong snack bar na pinaggamitan ko ng perang ibinigay ng mister ko nang magkahiwalay kami. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng suwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1970.

ADORA NG DAVAO CITY

Dear Adora,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang No. 5 ang lagging maging atubili sa desisyon at karaniwang natatangay ng mga sitwasyon. Pero taglay mo rin ang mahiwagang No.6 kaya’y walang duda na makapag-aasawa ka pa muli at magkakaanak. Masyado ka kasing emosyonal at naaalipin ko nito kaya’t napapahamak. Pero kung uutusan mo ang iyong puso na makakaya mo naming gawin, walang duda na makakasilo ka ng lalaking mag-aahon sa iyo sa kahirapan at magbibigay ng kapanatagan sa hinaharap. Kinokontrol ang buhay mo ng buntala ng Mercury at Venus na nagsasabi rin na ikaw ay buwenas sa paglalakbay kaya’t kapag may oportunidad ay maaari kang mag-abroad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon muli ng bagong kapartner at matatag na ikabubuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 18, 23, 28, at 30 lalo na kapag natatapat sa araw ng Martes at Sabado. Kulay gray at maroon ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 6 ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-8-11-19-22-28-30-35-37-40-42. ASSET tips: 3-7-1/ 4-7-8/4-2-6/ Wiretips: 2-7-1/ 7-9-2/ 1-4-7. Double digit: 4-8/ 8-4/ 1-3. Luzon guide: 2-6-11-18-22-28-4-36-40-42. VisMin: 4-7-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 1-6-11-17-23-26-34-36-40-42. Coded tips: tilapia- bangus- espada/ pako- martilyo- lagare/ b-a-t.-----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home