Friday, January 13, 2006

daibetic (15jan06,BANDERA)

Bandera—15jan06

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From; David Smith, Galaw ng Numero

Dear David,
MAYSAKIT akong diabetes at marami akong iniinom na gamut dahil sa komplikasyon. Nasisira na ang loob ko pero naaawa naman ako sa mga anak ko. Sa totoo lang, nagtayo ako ng maliit na karinderia upang ito ang aming mapagkunan ng ikabubuhay. Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1956. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

RICARDO NG CEBU CITY

Dear Ricardo,
NUMBER seven (7) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Mars ang umiimpluwensiya sa iyong pagkatao. Kulay berde at pula ang buwenas mo. Buwenas ka sa lahat ng bagay o larangan na ginagamitan ng matalas na imahinasyon at kakaibang inobasyon. Buwenas ka rin sa lahat ng may kaugnayan sa kakaibang karunungan tulad ng relihiyon, mistisismo at teknolohiya—iyan ang pasukin mong negosyo. Kung may sakit kang diabetes, dapat ay sikapin mong gumawa ng kakaibang paraan o magsaliksik ka ng mga makabagong solusyon sa iyong karamdaman. Siyempre, napaka-epektib ditto ang tinatawag na spiritual healing. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at pagkalutas ng iyong karamdaman. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Nobyembre at Pebrero lalo na sa mga petsang 3, 8, 14, 17, 23, 25 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No.7 at No. 9 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-11-18-23-25-34-35-40-42. ASSET tips:4-1-8/ 3-2-6/ 8-9-2. Wiretips; 4-7-2/ 7-9-2/ 3-5-9. Double digit: 4-2/ 6-4/ 1-8. Luzon guide: 1-5-11-18-23-26-34-37-40-42. VisMin: 2-7-11-18-23-27-34-36-40-42. MegaLotto: 2-6-5-2/ 1-5-8-2/ 3-2-5-7. Coded tips: bakal- plastioc- goma/ kotse- traysikle- trak/ n-a-d.
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home