Thursday, January 19, 2006

Lucky 9 n 6

Dear David,
NAGKALAYO kami ng mister ko kasi’y nanghihimasok ang mga biyenan ko sa aming pamilya May dalawa kaming anak at pinaghatian namin ito Isa aking tindera sa palengke. Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay Ipinanganak ako noong Marso 18, 1974. Bigyan mo sana ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaaan sa jai alai at lotto


RESSA NG TACLOBAN CITY

Dear Ressa,
NUMBER nine (9) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay Buntala ng Mars at Venus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay pula at maroon ang buwenas mo Masyadong malakas ang impluwensiya ng iyong mahihiwagang numero kaya’t madalas mong akalain na magagawa mong maipatupad ang anumang ideya na pumasok sa iyong isip pero kadalasan mong natatagpuan mo ang iyong sarili na isang bigo. Gayunman buwenas ka sa negosyo na may mahigpit na kumpitensiya kaya’t walang duda na mapapalaki mo ang iyong puwesto sa palengke May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at panibagong kapartner sa buhay Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4 8 12 18, 23 25 at 30 lalo na sa mga araw ng Miyerkoles at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No 9 at No.6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 7-11-19-23-25-34-36-40-42. ASSET tips: 4-8-2/ 1-6-8/ 2-5-4. Wiretips: 7-9-3/ 1-3-5/ 9-2-1. Double digit: 5-3/ 7-1/ 1-6 Luzon guide: 2-6-11-18-23-26-34-39-40-42. VisMin: 2-6-11-19-22-28-34-36-40-42 MegaLotto: 3-6-11-18-23-25-33-39-40-42. Four Number: 2-1-2-6/ 7-8-2-4/ 1-2-6-2. Coded tips: patola- upo- kalabasa/ pipit- kuwago-kalapati/ n-r-a.
--------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home