Saturday, January 28, 2006

Negosyo kay Mr. 8

Dear David,
ISA akong security guard pero maliit lang ang suweldo ko. Naging OIC ako makaraang ang mahabang panahon sa serbisyo pero hindi gaanong lumaki ang suweldo ko. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Ipinanganak ako noong Setyembre 17, 1967. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


HERMIE NG CEBU CITY

Dear Hermie,
KARANIWAN sa tulad mong mahiwagang No.8 ay makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero kung magko-concentrate ka sa iisang layunin tulad sa negosyo ay maaari kang makaangat sa pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa tulad ng agribusiness—iyan ang pagtuunan mo ng atensiyon at resources. Kahit nag-tatrabaho ka ay maaari ka naming magtanim ng halaman o mag-alaga ng hayop sa iyong bakuran. Puwede ring magbiyahe ng produkto kapag walang trabaho sa oras ng pag-uwi o bago pumasok. Sanay ka sa puyat kaya’t magagamit mo ang bakanteng oras sa dagdag na mapagkakakitaan. Puwede ring magtinda ka ng prutas o pagkain sa lugar na pinagtatrabahuhan mo katulong ang asawa o anak. Taglay mo rin ang mahiwagang No.4 na nagsasabi na makakaranas ka ng pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao kung magiging kalmante ka at masikap sa buhay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 pero uulit ito sa taong 2011 at 2015 lalo na sa mga buwan ng Hunyo, Disyembre at Pebrero particular sa mga petsang 2, 13, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Lunes. Kulay itim at dilaw ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No.8 at No. 4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 4, 8, 12, 15, 23, 26 , 34, 37 at 40. ASSET tips: 6-3-8/ 2-1-8/ 4-7-9. Wiretips; 4-7-5/ 2-4-1/ 9-3-5. Double digit: 4-8/ 2-6/ 4-1. Luzon guide: 2-7-11-19-23-26-34-37-40-42. VisMin: 2-5-11-18-23-24-26-34-36-40-42. MegaLotto: 3-6-11-16-23-26-34-39-40-42. Four Number: 4-5-7-2/ 1-6-7-2/ 9-3-4-1. Coded tips: mangga- saging- papaya/ Tokyo- New York- Beijing/ m-a-t.---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home