Thursday, May 04, 2006

Nine n five

(For Bandera, May 05 issue)

Dear David,
HINDI ako tumitigil sa pagbabasa ng kolum mo dahil kakaiba ito sa lahat. Alam kong nakakatulong ka sa mga sumusubaybay sa iyo. Bigyan mo rin ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Sa totoo lang, miyembro ako ng third sex at nag-stowaway ako kasi’y ikinahihiya ako ng pamilya ko.Nagtayo ako ng parlor at ngayon ay sila ang lumalapit sa aking upang makahingi ng panggastos. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Hunyo 27, 1970. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


SHARON NG DAVAO CITY

Dear Sharon,
NUMBER nine (9) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay pula at gray ang buwenas mo. Madalas kang masabit sa intriga at gusot kahit wala kang kasalanan. Karaniwang nauubos ko naaaksaya ang mahahalagang oras sa pagresolba sa walang kuwentang sigalot at aktibidad na wala naming kinalaman sa katuparan ng iyong mga pangarap. Magtatagumpay ka kung matutukoy mo nang malinaw na malinaw ang mga aktibidad na magdadala sa iyo sa katuparan ng iyong espesipikong pangarap o mithiin sa buhay. Kung nais mong mapaunlad ang iyong parlor, isakripisyo mo ang bisyo at mga layaw sa katawan at mag-concentrate kung paano magkakaroo ng branches o makalipat sa mas malaking puwesto na may potential income. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung kalian matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Hulyo, Nobyembre at Enero lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No.5 ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-9-11-19-23-27-34-38-40-42. ASSET tips: 7-9-2/ 2-5-7/ 8-3-1/ 1-2-7. Wiretips: 5-6-8/ 6-2-5/ 1-5-2/ 8-2-7. Double digit: 3-7/ 9-3/ 1-5/ 7-2. Luzon guide: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 2-7-11-19-22-27-34-39-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42. Four Number: 5-8-6-1/ 6-8-2-2/ 5-2-4-6/ 8-9-2-1. Coded tips: kangkong- talong- kamatis/ kangaroo- crocodile- turtle/ n-a-y.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home