Monday, May 08, 2006

Eight n Four

(for Bandera, May 09 issue)

Dear David,
NAIS kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 17, 1975. Isa akong lady guard kasi’y wala na akong mahanap na trabaho. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

JANNET NG ILIGAN CITY

Dear Jannet,
NUMBER eight (8) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Uranus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay itim at dilaw ang buwenas mo. Extreme ang mga magaganap kaya’t dapat na makalmante ka o mapanatag ang kalooban upang mahigop mo ang positibong aspekto ng kapalaran. Kapag magulo ang iyong isip, magkakabuhol-buhol ang iyong problema at makakaranas ka ng serye ng mga dagok ng buhay. Sikapin mong makagawa ng ekstrang aktibidad na kikita ng ekstra tulad ng paga-ahente ng sasakyan o bahay at lupa. Magagawa mo kasabay ng pagiging lady guard. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa kulay itim at dilaw. Sa jai alai, isama mo ang No, 3 sa No.8 at No.4. Buwenas ka sa buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 13, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. ASSET tips: 3-6-4/ 1-6-8/ 2-3-7/ 8-9-2/ Wiretips: 3-6-9/ 1-4-2/ 8-2-3/ 1-3-2. Double digit; 4-2/ 7-9/ 1-3. Luzon guide: 2-6-11-19-23-26-34-37-40-42. VisMin: 3-6-11-18-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 2-6-11-18-22-28-34-38-40-42. Four Number: 5-7-2-1/ 7-2-0-2/ 8-9-2-1. Coded tips: mantika- gatas- tubig/ ibon- ahas- insekto/ n-t-z.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home