Monday, May 22, 2006

Kapitan

for TUMBOK, may 24 advance

Dear Oliver,
NAIS kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 6, 1970. Isa akong dating barangay captain at nais kong kumandidato kung magkakaroon muli ng eleksiyon, manalo kaya ako? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong rice trader. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

GARRY NG CEBU CITY

Dear Garry,
TIPIKAL sa tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay maroon ay masyadong emosyonal at sa iyong kaso, nakapokus ang iyong emosyon sa paglilingkod sa kapwa. Angkop lamang ang iyong plano na kumandidato muli bilang barangay captain dahil tunay na may marubdob kang pagnanasa na makapaglingkod sa iyong mga kababayan. May kakayahan kang isakripisyo ang personal na kaligayahan para sa kapakanan ng kapwa. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay itim na nagsasabi na maaabot mo kahit ang mga mala-imposibleng pangarap kung ipopokus ditto ang buong atensiyon, magkakaroon ng disiplina sa sarili at may malilinaw na aktibidad. Anuman ang yong iplano, magagawa mo. Pero sa kabila ng lahat ng ito, mananatili ka pa ring lihim na malungkot dahil walang contentment ang tulad mo na siyang dahilan kung bakit maabot mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.8. Sa jai alai, isama mo ang No.3. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006, 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng posisyon sa bayan.Pinakabuwenas mo ang mga buwan ng Mayo. Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23,, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Lunes. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-23-24-26-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-6-8/ 1-3-2/ 8-2-1. 6-digit: 3-2-3-7-1-2/ 8-9-2-3-2-1/ 1-2-1-5-9-2. Bingo Mystery Eight: 2-15-22-45-57-66-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa orange at nasa unahan ang sais (6). Okey ang siete (7) kapag nakamarka sa gree at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang otso (8) kapag napagitna sa nuwebe(9) at dos (2).
---3-0-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home