Friday, May 26, 2006

Lucky nine

(for BANDERA, May 27 issue)

Dear David,
ISA rin ako sa masugid mong tagasubaybay at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong ordinaryong kawani sa gobyerno at maliit lang ang kita ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 18, 1970. May apat akong anak. Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

NORMAN NG COTABATO CITY
Dear Norman,
NUMBER nine (9) at one (1) ang mahihiwang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay pula at dilaw ang buwenas mo. Madalas na masabit ka sa intriga kahit wala kang kasalanan. Hindi mo dapat patulan ang mga nanggugulo sa iyo dahil maaaksaya mawala ka sa direksiyon at maaksaya lang ang iyong panahon. Ipokus mo ang iyong panahon sa iyong personal na pangarap at ito ang pagtuunan mo ng pansin kung saan walang duda na matutupad mo. Makakaranas ka ng maraming balakid pero ituring mo itong bahagi ng ensayo at pagsasanay . Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 10, 15, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No.1 ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 4-7-11-18-23-25-34-37-40-42. ASSET tips; 5-8-2/ 1-6-7/ 8-2-5. Wiretips: 8-2-6/ 2-3-6/ 8-1-3. Double digit; 3-7/ 8-2/ 1-5/ 5-5. Luzon guide: 5-7-11-18-22-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-18-22-34-36-40-42. MegaLotto: 1-5-11-18-23-26-34-36-40-42. Four Number; 3-2-3-5/ 7-8-1-1/ 8-2-6-2/ 8-9-1-2. Coded tips: black- green -red/ sibuyas- bawang- kamatis/ n-a-t.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home