Wednesday, May 24, 2006

Balanse ang dapat

(for BANDERA, May 26 issue)

Dear David,
LIMA ang aking anak pero biglang namatay ang aking mister sa aksidente. Kapos ang pension na nakukuha mo mula sa SSS kaya't napuwersa na rin akong magtayo ng munting karinderia. Pero, nagkakabaon baon na ako sa utang ngayon. Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, 1970. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.
MARIFE NG DAVAO CITY
Dear Marife,
NUMBER nine (9) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa yong buhay. Buntala ng Mars at Venus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Nagsasabi ito na ikaw ay may pambihirang kapangyarihan na wala sa ordinaryong tao. Pero ang batas ng kalikasan—ay hindi kung sino ang may sobra-sobrang lakas ang laging nananaig kundi kung sino ang PINAKAMABALANSE sa lahat: Ang mga sobra ay kinakalos upang mapunan ang mga kapos! Ang yong nararanasang negatibong sitwasyon ay proseso ng kalikasan upang mabalanse ang iyong pagkatao, at mula dito, unti-unti kang makakaahon upang muling angkinin ang trono sa pagtatagumpay kung saan ay dapat kang maging mapagpakumbaba upang manatiling maligaya at nakakaangat sa kapwa. Masyado kang emosyonal na dapat mong makontrol at magamit ang pakikipagrelasyon sa pag-angat mo sa larangan ng materyal. Muli kang magkakaroon ng kapartner—at diyan ka na magsisimula makaangat sa buhay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyeroles at Martes. Kulay pula at maroon ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 9 at No. 6 sa No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. ASSET tips: 2-6-8/ 1-3-5/ 8-9-3. Wiretips: 5-8-2/8-2-6/ 8-2-6/ 1-2-6. Double digit: 6-8/ 1-5/ 8-2. Luzon guide: 3-7-11-18-23-27-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 4-6-3-1/ 8-2-5-2/ 7-2-5-2. Coded tips: sili- bawang- luya/ aso- baka- kalabaw/ m-a-d.
----30-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home