Saturday, May 27, 2006

Extremers

Bandera—29may06

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From; David Smith, Galaw ng Numero

Dear David,
SUKI ako ng kolum mo at ito ang una kong binabasa. Bigyan mo naman ako ng gabay sa pagtaya sa jai alai at lotto. Mahilig ako sa mga number games. Ano baa ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ipinanganak ako noong Nobyembre 16, 1970. Isa akong foreman sa construction. Ano baa ng masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Anong negosyo ang dapat kong pasukin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


FELIPE NG MATINA, DAVAO CITY

Dear Felipe,
NUMBER seven (7) at eight (8) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Exteme ang mga mararanasan mo pero ito ay maaaring negatibo o positibo komporme sa takbo ng iyong isip at emosyon. Isang epektibong teknik ditto ay maging aktibo sa sekta o relihiyon na kinaaniban kasi’y sistematiko ang mga “dasal at meditasyon” bilang pampakalmante at subok na ng mga nagdaang henerasyon. Buwenas ka sa mga kakaibang karunungan, kaya’t kung ikaw ay bahagi ng construction at may alam sa karpinteria, ang simpleng paggawa ng mga silya o study table para sa mga estudyante mula sa mga “recycled lumber o used woods ng mga kahon” sa pier—ay isang napakagandang negosyo para sa iyo. Hindi naman ikaw ang magtatrabaho kundi ipapakyaw mo sa mga kaibigan mong finished carpenter. Sa sugal, puwede mong bantayan ang 4-7-8 sa Hunyo at Hulyo; 1-5-9 sa Agosto at Setyembre; 8-4-6 sa Oktubre at Nobyembre; 4-5-8 sa Disyembre at Enero; 2-7-3 sa Pebrero at Marso; at 5-10-6 sa Abril at Mayo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Nobyembre at Marso lalo na sa mga petsang 3, 7, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Berde at itim ang buwenas mo. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 18, 23, 27, 34, 36 at 40. ASSET tips; 5-7-1/ 1-6-2/ 8-9-2. Wiretips: 3-2-5/ 8-3-1/ 8-5-2. Double digit: 6-2/ 1-7/ 8-2. Luzon guide: 1-6-11-19-22-28-34-37-40-42. VisMin: 2-6-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto; 3-6-11-19-23-27-34-38-40-42. Four Number: 3-4-8-2/ 1-6-2-6/ 8-2-1-3. Coded tips: blue- black- green/ j-a-t/ venus- Jupiter- Pluto/
--------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home