Friday, May 26, 2006

Wan en tu

(for BANDERA, May 28 issue)

Dear David,
NAIS ko ring malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 19, 1970. Nagmamaneho lang ako ng pampasaherong dyip pero maliit lang ang kita. Halos kapos ito sa pangangailangan ng aking pamilya. May limang anak ako at may maliit na sari-sari store ang misis ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwede kong tayaan sa jai alai at lotto.

ROMY NG BUTUAN CITY

Dear Romy,
NUMBER one (1) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Sun at Moon ang kumukontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at berde ang buwenas mo. Malinaw ditto na maraming pangarap mo ang matutupad. Pero, makakaranas ka muna ng maraming pagsubok sa gitna nito, mararamdaman mong nais mo nang sumuko pero magugulat ka kasi’y kusang malulutas bigla ang iyong mga problema nang hindi mo sukat-akalain. Marami rin kasing mga kaibigan at kakilala mo ang magkukusa na tulungan ka na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Maging maunawain at mapagpatawad sa mga taong nagkakasala sa iyo kasi’y may mga dati kang kaaway na makakatulong pa rin sa iyo. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa tubig at likidong produkto. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 7, 17, 23, 25, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No.1 at No.2 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. ASSET tips: 3-7-1/ 3-7-6/ 8-9-2/ 1-4-2. Wiretips: 3-7-1/ 8-3-9/ 9-2-1. Double digit: 5-8/ 1-6/ 9-2. Luzon guide: 2-6-11-18-23-27-34-37-34-40. VisMin: 2-6-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-25-34-38-40-42. Four Number: 2-1-5-7/ 8-2-1-3/ 8-9-2-2. Coded tips: suman- lumpia- puto/ ruby- gold- sapphire/ m-a-t.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home