Thursday, June 01, 2006

Six n 4

(for BANDERA, June 02 issue)

Dear David,
BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong tindera sa palengke pero suwelduhan lang ako. Gusto ko ring magkaroon ng sariling negosyo, bigyan mo ako ng epektibong teknik. Ipinanganak ako noong Hulyo 15, 1970. May dalawa akong anak na nag-aral. Hiwalay na ako sa asawa. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

DIANNE NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Dianne,
NUMBER six (6) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Venus at Uranus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay maroon at yellow ang buwenas mo. Alipin ka ng emosyon at ito mismo ang nagpapahamak sa iyo. Kailangang hindi ka nagpapatangay sa simbuyo ng damdamin. Karaniwan kasing madali kang mapaniwala o mabuyo sa iyong bagay. Madali kang maimpluwensiyahan at huli na kapag nalaman mong nagkamali ka. Gayunman, makikinabang at maaari mong magamit ang pakikipagrelasyon upang umunlad ka sa larangan ng material. Bukod ditto, may pambihira kang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Mahihigop mo ang malaking suwerteng ito sa pagsapit ng mapapalad mong taong 2007, 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Enero lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Sa totoo lang, kahit ngayon pa lamang ay maaari kang magsimulang magnegosyo tuwing may bakanteng oras o araw sa pagtitinda ng kahit anong produkto—at diyan biglang darating ang buwenas mo sa porma ng mga kakaibang oportunidad. Sa jai alai, isama mo sa No.6 at No.4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-4-17-23-25-34-37-40-42. ASSET tips: 4-6-1/ 1-7-4/ 8-2-5. Wiretips: 5-8-2/ 6-7-2/ 7-2-1. Double digit: 4-8/ 1-5/ 8-2. Luzon guide: 1-6-11-19-22-28-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 4-7-11-19-23-28-34-36-40-42. Four Number: 4-6-3-6/ 8-1-3-2/ 8-2-1-5. Coded tips: ahas- insekto- isda/ Bangkok- New York- Tokyo/ k-a-t.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home