Monday, May 29, 2006

Nayn n por

(for BANDERA, May 31 issue)

Dear David,
ISA ako sa masugid mong tagasubaybay at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. May maliit akong computer rental shop na may anim na units lamang. Ito an gaming ikinabubuhay mula nang mag-resign ako sa trabaho. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, 1967. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


ANDY NG BANGKEROHAN, DAVAO CITY

Dear Andy,
NUMBER nine (9) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Hindi ka mawawalan ng kakumpitensiya o katunggali kahit saang antas ng buhay ko kahit saang lugar ka naroroon. Kailangang matuto ka sa sining ng pakikipag-away. Kapag namaster mo yan, magsisimula ka nang makaangat sa buhay dahil hindi na maaaksaya ang iyong mahalagang oras at magagamit mo ang iyong mga “kaaway” para sa katuparan ng iyong mga pangarap. Ang iyong buhay ay tulad ng tsubibo—hindi ka mananatili sa itaas bagkus ay magsasalitan lamang ang tagumpay at kabiguan; saya at lungkot! Paghandaan ang tagumpay upang hindi ito maaksaya. Pero, paghandaan din ang kabiguan upang hindi ito gaanong makaapekto sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakakaroon ng matatag na negosyo kung saan mapapalaki mo ang iyong computer shops at magkakaroon ng maraming branches. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Lunes. Kulay pula at dilaw ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 9 at No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-30-34-36-40-42. ASSET tips; 5-8-2/ 1-6-3/ 8-2-8. Wiretips: 3-6-1/ 8-9-2/ 6-2-4. Double digit: 4-7/ 1-7/ 9-2. Luzon guide: 1-6-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-6-11-19-23-28-34-36-40-42. MegaLotto; 4-7-11-19-34-36-40-42. Four Number: 7-8-2-6/ 4-3-5-8/ 1-5-2-7/ 8-3-2-1. Coded tips: tipaklong- bubuyog- langgam/ mais- palay- munggo/ j-s-r.
----30-

1 Comments:

Blogger maçka porno said...


Genç kızların ifşalı twitter sex teen porno video, full movies porn hd

3:21 AM  

Post a Comment

<< Home