Monday, November 28, 2005

3 kelot (30nob05)

Bandera—30nob05

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From: David Smith, Galaw ng Numero



Dear David,
GUSTO ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? Isang office clerk at marami akong manliligaw pero wala pa akong napupusuan. Makapag-aasawa kaya ako nang maayos. Natatakot akong mabigo. Ipinanganak ako noong Mayo 13, 1985. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang masusuwerte kong kulay at numero na puwede kong tayaan sa jai alai at lotto.

SHIELA NG CAVITE CITY

Dear Shiela,
ITULOY mo ang pag-a-apply sa abroad dahil siyento-porsiyento ay makakapag-abroad. May tatlong lalaki ang magpapatibok sa iyong puso. Una ay tutulungan ka nito na makapag-abroad pero kahit hindi mo siya gaanong mahal ay papatulan mo kung saan kung kalian nakukuha na ang iyong loob ay saka naman siyang biglang lalayo at papatol sa ibang babae! Ikalawa ay mag-aalok sa iyo sa kasal na aakalain mong siya nang ideyal na prinsipe sa iyong buhay pero magtatalusira din siya at iiwanan ka nang walang paalam.Ang huling lalaki sa iyong buhay ay mas may edad siya pero mahal na mahal ka niya kaya’t mabilis na makukuha ang iyong pag-ibig pero matapos isilang ang iyong anak at babawian siya ng buhay. Taglay mo kasi ang mahihiwagang No. 4 at five (5). Kinokontrol ang iyong pagkatao ng buntala ng Uranus at Mercury. Mabibilis na pangyayari ang nagaganap sa iyong buhay kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon nang agaran. Pero may pambihirang buwenas kang mararanas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matagumpay sa negosyo at paglalakbay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Agosto lalo na sa mga petsang 3, 8, 14, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. Kulay dilaw at gray ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42. ASSET tips: 3-5-8/ 9-2-4/ 1-2-6/ Wiretips; 4-5-8/ 9-3-5/2-6-7/ Double digit: 4-2/ 6-7-/ 2-1/ 9-9. Luzon guide: 4-7-11-18-23-26-34-37-40-42. VisMin: 3-8-12-18-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 4-6-5-2/ 8-9-2-4/ 6-2-1-6/ 7-8-2-2. Coded tips: bakal- putik- tubig/ manok- bibe- kalapati/ j-s-r.
----30--

Thursday, November 24, 2005

7 n 1

Bandera (26Nob05)


Dear David,

BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 7, 1960. Isa akong driver ng pampasaherong dyip pero nagba-boundary lang ako.Isa akong ex-convict pero nagbabagong buhay na. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang suwerte kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


DARIO NG BUKIDNON

Dear Dario,

NUMBER seven (7) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Nagsasabi ito na maraming plano mo sa buhay ang matutupad. Matalas ang iyong imahinasyon at may natatago kang talento na dapat mong malinang at magamit mo sa pagtatagumpay. Puwede kang pumasok sa handicrafts o alinman na ginagamit ng magagarang desenyo. Magtangka kang magsaliksik ng artistic products kasabay ng pagmamaneho at gamitin ang sasakyan sa pagdedeliber ng mga produktong ito imbes na magkasya ka lamang sa pamamasada. Buwenas ka sa kulay berde at dilaw—iyan ang ipintura mo sa dyip upang mahigop mo ang buwenas . May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran bago matapos ang taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Enero lalo na sa mga petsang 2, 7, 12, 16, 23, 25 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No.1 ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. ASSET tips: 4-8-6/ 1-3-8/ 8-9-2. Wiretips: 3-2-6/ 8-2-1/ 7-2-5/ 6-2-3.Double digit: 4-8/ 4-5/ 1-5. Luzon guide: 3-6-11-18-23-26-34-37-40-42. VisMin:1-6-11-18-23-26-34-37-40-42.MegaLotto; 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. Four Number; 3-4-6-8/ 2-1-4-5/ 2-1-6-7. Coded tips: triangle- square-circle/ blue- red- black/ n-a-y.
-------30--

Sunday, November 20, 2005

kakaibang kapalaran

Bandera (22Nob05)


Dear David,

NAIS kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1980. Bagong pasok lang ako sa trabaho pero agad akong naiintriga. Hindi yata ako makakatagal ditto kahit isang taon man lamang. Naboboring na ako sa buhay ko kasi’y maliit lang ang suweldo ko. Kahit anong kayod ay tiyak na hindi ako makakaahon sa hirap. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Sa totoo lang sexy ako at makinis ang kutis, iniisip kong ishorkat ang problema sa pamamagitan ng pag-aasawa ng isang mayaman kahit malaki ang agwat na edad niya sa akin. Magawa ko kaya ito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng taon, buwan at petsa. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


DELLY NG DAVAO CITY

Dear Delly,

NUMBER four (4) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Nagtataglay ka ng pambihirang kapalaran na wala sa ordinaryong tao dahil naiimpluwensiyahan ka ng mahiwagang No.4—angkop na angkop yan sa iyong hilaw na pangarap na biglang yumaman nang walang kahirap-hirap. Hindi naman nakakahiya ang iyong lihim na plano sa pag-aasawa kasi’y marami naman ang gumagawa at nakagawa ng ganyang diskarte! Okey din ito kasi’y hawak mo rin ang mahiwagang No. 6 na kinukubabawan ng planetang Venus. Nagsasabi ito na buwenas ka sa romansa at pakikipagrelasyon. Ikaw ang makikinabang sa alinmang ugnayan. At dahil buwenas ka sa pag-ibig, makakatagpo mo ay isang binata na may kaya, makisig at masipag kung saan hindi mo mapaniniwalaan ang mga magaganap. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo ko produkto na may kaugnayan sa sikat ng araw. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng masaya at masaganang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay dilaw at maroon ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 4 at No.6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. ASSET tips: 3-7-1/ 7-9-2/ 3-2-6. Wiretips: 4-7-6/ 2-1-7/ 8-4-7. Double digit: 3-7/ 4-2/ 1-4. Luzon guide: 2-6-11-19-23-24-34-42. VisMin: 2-11-19-23-28-34-38-42. MegaLotto: 2-5-11-17-23-34-37-40-42. Four Number: 3-3-2-3/ 7-8-3-1/1-3-5-6/ 8-9-2-1. Coded tips: kangkong- sitaw- petsay/ bubuyog- gagamba- paruparo/ b-a-r.
----30--

Friday, November 18, 2005

5 n 7

Bandera (20Nob05)


Dear David,

GALING na ako sa Saudi Arabia pero wala pa akong one-year ditto ay naubos na agad ang mga naipon ko.Mahirap pa ako ngayon kaysa daga. Nanghihingi lang ng pera sa mga kapatid ko. Hindi kasi ako kaagad makaalis pa-abroad kasi’y napepeke ako. Matuloy pa kaya ako? Ipinanganak ako noong Marso 14, 1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masuswerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ANDY NG DAVAO CITY

Dear Andy,

NUMBER five (5) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumokontrol sa iyong pagkatao.Buwenas ka sa kulay gray at green. Ang No.5 ay isang neutral number—kaibigan niya ang lahat ng numero, walang kakontra. Karaniwang madali kang maimpluwensiyahan ng paligid. Kumbaga, tangayin ka lamang pero ang tulad mo ang walang duda na makapag-aabroad kahit ilang beses at sa pinakamalalayong lugar na hindi kayang maabot ng ordinaryong tao. Kailangang maging kalmante ka lamang upang hindi madistorbo ang iyong isip.Ang No.7 ang pinakabanal na numero kaya’t mahihigop mo ang buwenas at mga oportunidad kung lagi kang magsisimba. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing araw sa taong ito, 2005 pero tatagal pa ito hanggang Marso, 2006 bago babalik sa taong 2009 at 2012 kung saan matutupad ang maraming pangarap kabilang ang pagbabalik-balik sa ibang bansa. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 7 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 12, 16, 23, 26, 34, 37 at 40. ASSET tips: 4-8-2/. 1-5-6/ 8-2-5.Wiretips: 4-5-7/ 9-2-4/ 1-3-5.Double digit; 6-8/ 3-6/ 1-4/ 7-2. Luzon guide: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-6-11-19-23-25-34-37-40-42. MegaLotto: 3-7-12-14-23-25-34-35-37-40-42. Four Number: 3-2-6-7/ 4-3-6-7/ 1-3-5-2/ 7-8-2-2. Coded tips: ahas- baboy- langgam/ pula- asul- puti/ m-a-t.
---30---

Wednesday, November 16, 2005

7, 3

Bandera (18Nob05)

Dear David,

MADALAS akong magbasa ng kolum mo pero ngayon lamang ako nakasulat. Gusto ko rin kasing magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong dating pulis pero nag-resign na ako matapos masuspinde. May maliit akong talyer sa welding at ito ang kinabubuhay ko. Magklik kaya ito? Ipinanganak ako noong Mayo 16, 1969. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ROSENDO NG ILOILO CITY

Dear Rosendo,

NUMBER seven (7) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Jupiter ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay berde at asul ang buwenas mo. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa religious belief at kakaibang karunungan tulad ng kulto at mistisismo. Kung may welding shop ka, mag-displey ka ng rebulto o imahen ng santo o pumuwesto ka sa tabi ng simbahan o religious center. Ambisyoso ka pero kailangang maging praktikal ka upang magtagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa buwan ng Nobyembre at Disyembre sa taong ito, 2005 pero uulit ito sa 2007, 2009 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No.3 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-25-34-38-40-42. ASSET tips: 2-8-4/ 1-4-7/ 8-9-3. Wiretips; 3-2-6/ 7-3-5/ 1-7-9. Double digit: 4-3/ 7-9/ 2-6/ Luzon guide: 2-6-11-18-23-24-34-37-40-42. VisMin: 2-8-11-15-23-25-34-36-40-42. MegaLotto: 2-3-17-23-27-34-37-40-42. Four Number: 5-2-1-6/ 7-8-2-2/ 2-1-2-6/ Coded tips: berde- pula- itim/ pusa- aso- baka/ n-a-d.
---30--

Tuesday, November 15, 2005

6, 1

Bandera (17Nob05)

Dear David,

SUKI ako ng kolum mo at nangahas na rin akong sumulat upang malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1960. May sakit ako sa diabetes at hindi ako makapagtrabaho nang mabigat kaya’t nagtayo na lamang ako ng sari-sari store. Buwenas bas a akin ito? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

FELICIANO NG DAVAO CITY

Dear Feliciano,

NUMBER six (6) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Venus at Sun ang kumokontrol sa iyong buhay. Kulay maroon at yellow ang buwenas mo. Masyado kang emosyonal kaya’t buwenas ka sa pag-aalaga ng hayop, halaman at negosyo na nagseserbisyo sa kapwa tulad ng rental at repair shops.Okey naman ang sari-sari store pero dapat na magtinda ka na produktong makakatulong sa mga suki tulad ng kerosene, LPG, gamut o medisina at iba pang pangunahing bilihin gaya ng NFA rice.Mas mainam kung 24-hour open ang tindahan—iyan ang magpapaangat sa iyong buhay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad angmarami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. ASSET tips: 3-2-7/ 8-2-1/ 5-2-4/ Wiretips: 3-2-6/ 7-8-3/ 3-4-6. Double digit; 3-6/ 1-7/ 7-2/ Luzon guide: 1-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-6-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 1-5-11-19-22-29-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 1-3-1-8/ 1-2-1-6. Coded tips: salakot- sinturon- paying/ kalamansi- dayap- suha/ n-a-t.
---30---

fayb n for

Bandera (16Nob05)


Dear David,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1979. Isa akong GRO at marami na akong nakarelasyon. Nanghihinayang kasi ako sa malaking tips na natatanggap ko.Pero nag-iipon lang ako upang may magamit na puhunan. May lalaki pa kayang mag-aalok sa akin ng kasal kapag nalaman ang nakaraan ko? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

NYMPHA NG DAVAO CITY

Dear Nympha,

NUMBER five (5) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Uranus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay gray at yellow ang buwenas mo. Mabibilis na pangyayari ang nagaganap sa iyong buhay. Kasi’y pabago-bago ang iyong desisyon at madaling maimpluwensiyahan ng paligid. Pero may kakaiba kang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Maraming problema mo ang kusang nalulutas kahit hindi ka kumilos. May isang tao na makikilala mo sa isang paglalakbay ang makakatulong sa iyong ibayong pag-unlad. Masosorpresa ka sa mga magaganap. Tama ang desisyon mo na magbagong buhay kapag nakaipon ka ng sapat pero maging maingat ka sa pakikipagrelasyon kasi’y madali kang kapitan ng sakit na may kaugnayan sa sex. Walang duda na makapag-aasawa ka naman nang maayos dahil isang maykaya o mayamang lalaki ang mag-aalok sa iyo ng kasal at hindi mo ito dapat pang tanggihan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at pag-unlad ng buhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 4 ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 5-9-12-16-23-34-35-40-43. ASSET tips: 4-8-2/ 7-9-1/ 4-2-6/ 3-5-9.Wiretips: 3-4-1/ 7-8-3/ 4-7-6. Double digit: 4-8/ 9-3/ 3-6/ 2-7. Luzon guide: 2-6-11-19-23-28-34-38-40-42.VisMin: 3-7-11-19-23-28-34-38-42. MegaLotto: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 1-2-6-2/ 7-8-2-2/ 1-2-4-2.Coded tips: munggo- mais- palay/ ruby- jade- gold/ n-a-d.
----30--

Friday, November 11, 2005

4 n 3

Bandera (12Nob05)

Dear David,

ISA akong empleado sa isang pribadong kompanya pero walang asenso kasi'y idinadaan sa palakasan at maraming intriga. Binabalak ko nang mag-resign kasi'y nakaipon na ako ng konting puhunan. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ipinangank ako noong Setyembre 4, 1970. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Bigyan mo sana ako ng gabay sa pagtatagumpay.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LAMBERTO NG ILOILO CITY

Dear Lamberto,

NUMBER four (4) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Jupiter ang buntala na kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at asul ang buwenas mo. May naghihintay sa iyo na pambihirang kapalaran sa taong 2007 at 2010 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga drygoods at lahat ng may kaugnayan sa lupa. Maraming tao ang magkukusa na tulungan ka kaya't dapat na manatili kang maunawain, matulungin, tapat at mapagpatawad sa kapwa tao. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre partikular sa mga petsang 2, 8, 12, 16, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.3 ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42.
---30--

Friday, November 04, 2005

for n tri

Bandera (06Nob05)

Dear David,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 22, 1970. Isa akong ordinaryong empleado lamang pero nagpapaaral ako sa tatlong anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Anong negosyo ang bagay sa akin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

EDMOND NG CEBU CITY

Dear Edmond,

NUMBER four (4) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Jupiter ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at asul ang buwenas mo. Sa totoo lang, likas kang mabait pero madalas na mabiktima ka ng panloloko ng sarili mong kaibigan at mga pinagkakatiwalaan. Gayunman, makakatanggap ka ng pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Kung mananatili kang kalmante at panatag, kusang lalapit sa iyo ang malalaking buwenas at oportunidad kung saanm magpapasimula ng iyong pag-unlad. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa sikat ng araw at service- oriented business. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakikitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo,. Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 17, 22, 26 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.3 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-34-39-40-42. ASSET tips: 2-7-1/ 7-8-3/ 5-2-1/ Wiretips: 3-4-8/ 9-4-5/ 1-2-8/ Double digit; 3-9/ 3-7/ 1-5/ Luzon guide: 2-6-11-19-23-27-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42. MegaLotto: 2-6-11-19-23-27-34-38-40-42. Four Number; 3-2-3-7/ 8-9-2-1/ 1-2-5-8. Coded tips: galunggong- bangus- biya/ santol- bayabas- pinya/ b-a-r.
---30---

Thursday, November 03, 2005

eyt n wan

Bandera (05Nob05)

Dear David,

NAIS ko rin pong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1970. Isa akong waiter sa isang restaurant. Isa akong self supporting student dahil nagmula ako sa probinsiya at nakipagsapalaran dito sa Maynila. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ERICK NG BACOLOD CITY

Dear Erick,

NUMBER eight (8) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Extreme ang magaganap sa iyong buhay at maselang sitwasyon ang naghihintay sa iyo next year--make or break. Kapag wala kang direksiyon at buhol-buhol ang iyong problema, grabe ang mararanasan mo sa 2006. Pero kung organizado ka, kalmante at malinaw ang mga mithiin sa buhay, walang duda na matutupad mo na ang iyong mga pangarap. Konsentrasyon, disiplina at pagsasakripisyo ang susi sa iyong pagtatagumpay. Bukod sa 2006, buwenas ka rin sa 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 23, 27, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Kulay itim at dilaw ang buwenas mo. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa real estate tulad ng pagbebenta ng bahay at lupa at agribusiness. Sa jai alai, isama mo sa No.8 at No.1 ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-11-18-23-27-34-38-40-42. ASSET tips: 2-6-4/ 8-9-2/ 1-2-6/ 8-2-3.Wiretips: 3-5-9/ 4-2-7/ 6-8-3. Double digit: 4-8/ 2-7/ 6-7. Luzon guide; 2-6-11-19-23-29-34-36-40-42. VisMin: 2-6-11-18-22-28-34-38-40-42. MegaLotto; 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-2;/ 7-8-2-1/ 2-1-6-7. Coded tips: bangus- hito- tilapia/ mansanas- ubas- lansones/ n-a-r.
---30--

Wednesday, November 02, 2005

office clerk

bandera (04Nob05)

Dear David,

NAIS kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong office clerk pero maliit lang ang suweldo ko at walang asenso. Hindi ako makaalis dito kasi'y mahirap maghanap ng bagong trabaho. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerteng taon, buwan at petsa para sa akin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 11, 1970.

GERRY NG ALABANG, MUNTINLUPA CITY

Dear Gerry,

NUMBER two (2) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Moon at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay berde at dilaw ang buwenas mo. Dapat ay matuto lang magdesisyon nang sarado at malinaw kasi''y nabibigo dahil sa madalas kang nag-aatubili kaya't nakahulagpos ang magagandang oportunidad na magagamit mo sana sa pag-angat sa buhay.Tipikal na gulong ng buhay ang mararanasan mo--minsan nasa itaas, minsan ay nasa ibabaw.Paghandaan mo ang kabiguan kasi''y karaniwan lamang itong mararanasan mo upang hindi gaanong makaapekto sa iyong pagkatao., pero paghandaan mo rin ang tagumpay na palagi ring dadalaw sa iyo kaya't maari kang masorpresa at masayang ito kapag ginamit mo sa mga walang kapararakang bagay. Buwenas ka sa mga produktong may kaugnayan sa sikat ng araw tulad ng dried products. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing araw sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 19, 23, 26,at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Sa jai alai, isama mo sa No. 2 at No.1 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-34-38-40-42. ASSET tips: 6-7-1/ 7-8-2/ 1-3-2/ Wiretips: 2-5-8/ 8-9-2/ 1-3-5/ 8-2-5. Double digit: 5-8/ 2-5/ 1-6/ Luzon guide: 3-7-11-19-22-29-34-36-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 1-3-6-8/ 3-1-3-7/ Coded tips: sili- kamyas- paminta/ kabayo- kalabaw- baka/ n-a-t.
---30--