Tuesday, December 19, 2006

Imbentor

Dear David,
HIWALAY ako sa asawa pero nag-tig-isa kami ng mister ko sa dalawa naming anak na lalaki. Nalulungkot ako dahil nagtangay ng ibang babae ang asawa ko. Napuwersa na akong mamasukan sa isang department store. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Enero 7, 1972.

ELLA NG CEBU CITY

Dear Ella,
KARANIWANG nahihirapang magdesisyon ang tulad mong may mahiwagang No. 7. Pero mula sa tulong ng ibang tao at kamag-anak, nalalampasan mo ang mga pagsubok. May lihim kang talento at husay sa pagdedesenyo. Kakaiba ang iyong ideya kaya't maaari kang pagsumundan o makalikha ng trend. Okey kung mag-aaral ka na magmodista, gumawa ng mga kendi, tinapay at pagkain. Magsimula ka sa ganyang negosyo at mapapalaki mo ito. Puwede ka nang magnegosyo kahit nagtatrabaho rin ng magkasabay. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay pula kaya't may sobra-sobra kang enerhiya na magagamit sa paghahanapbuhay sa iba't ibang larangan kahit magkakasabay mong ginagampanan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2009 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at muling pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Huwebes at Lunes. Kulay berde at pula ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 7 at No. 9 sa No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-11-18-23-25-34-37-40-42. ASSET tips; 4-3-6/ 7-1-4/ 8-7-3/ Wiretips; 5-7-2/1-7-2/ 7-2-8. Double digit; 2-6/ 9-3/ 1-5. Luzon guide: 1-5-11-18-23-25-34-37-40-42. VisMin: 2-6-11-18-22-28-34-37-40-42. MegaLotto; 2-6-11-18-23-25-34-37-40-42. Four number: 4-3-7-1/ 7-2-1-3/ 8-2-1-2. Coded tips: lapis- papel- krayola/ h-s-t.
(Bandera newspaper, 22dec06)
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home