MASSIVE ORIENTATION IN PNP
(Bistado column, Bulgar newspaper, jan. 26 issue, 2011)
MARAMI ang nag-react sa ating inilabas na editorial kahapon kaugnay ng “maling paghawak” ng mga ebidensiya at pagtrato sa mga SUSPEK na hinahatulan agad bilang “GUILTY” mismo ng pulisya.
Ayon sa pangulo ng 1st APLUMA (Unang Alyansa ng Pambansa’t Pamprobinsiyang Lupon ng Makatao’t Makabayang Mamamahayag) na si Ismael Amigo, dapat daw ay tinukoy na agad natin ang ALTERNATIBONG dapat gawin ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa naturang problema o sitwasyon na hindi gaanong NAPAPANSIN ng mga kinauukulan.
Naniniwala ang 1ST APLUMA na ipinagkikibit-balikat lamang ng DOJ ang naturang sitwasyon.
“DOJ doesn’t care”, text ni Mr. Amigo.
-----$$$--
SIMPLE lang ang DAPAT gawin ng DOJ.
Una, magsagawa muna sila ng “INITIAL ASSESSMENT O evaluation” sa existing “knowledge, skills, at mastery (kung mayroon)” ng bawat IMBESTIGADOR, HEPE at ordinaryong pulis sa ASPEKTO ng “procedure” sa imbestigasyon, pagkuha ng ebidensiya, pag-KUSTODIYA ng suspek at ebidensiya—at kung ano ang DEPINISYON nila tungkol “KUNG ANO ANG ISANG SUSPEK?”
Sa unang hakbang na iyan, madali niyang malalaman kung nasa “TAMA” ang oryentasyon ng LAHAT ng pulis, partikular ang mga IMBESTIGADOR at HEPE sa bawat presinto.
Sa totoo lang, hindi lamang ang DOJ ang dapat mag-asikaso nito kundi maging ang NAPOLCOM—na siya mas may RESPONSIBILIDAD.
-----$$$---
DAPAT ay ipatupad ito sa pakikipagtulungan mismo ng Korte Suprema o mga HUWES at prosecutor o mga retiradong mahistrado o hukom sa BAWAT LUGAR o bawat teritoryo na nasasakop ng MALAWAKANG RE-ORIENTATION PROGRAM.
Hindi kailangan dito ang SEMINAR-WORKSHOP kung saan lumalayo pa ng lugar—at NILULUSTAY ang pondo o naga-ALLOCATE ng salapi ng bayan.
On-the-spot ang “evaluation” at on-site ang “reorientation”.
Ang mga resource persons ay DAPAT bigyan ng “honorarium” o allowances upang maging EPEKTIBO ang programa.
Grabe ang “KAWALAN NG DIREKSIYON” ng pulis at “lihis ang oryentasyon” na MABIBISTO sa isang “honest-to-goodness” on-the-spot assessment test at “PERSONAL INTERVIEW.
Nakapagtatakang walang ganitong PROGRAMA ang DOJ, Napolcom, DILG at Korte Suprema.
------$$$--
MAAARING isabay dito ang “psychological test” o personality assessment sa lahat ng miyembro ng PULISYA upang matukoy kung sino sa mga ito ang may “UNBALANCED PERSONALITY”.
Kumbaga, madaling matutukoy dito ang mga “may sayad, may tama o may topak”.
Nagkakaisa tayo lahat—na laganap ang KRIMEN dahil “alam natin lahat na SANGKOT dito ang ilang ELEMENTO ng pulisya at may BASBAS ito sa ilang SUPERIOR at POLITIKO.
Bakit natin kinukunsinte at hindi ginagawan ng paraan?
Bakit????
------$$$---
HINDI kailangan dito ang “BAGONG BATAS”.
Sa mungkahi sa itaas, kailangan pa ba dito ang bagong Republic Act?
Kailangang lang ipairal ang “regulasyon ng Napolcom, PNP, DOJ at mismong Civil Service Commission law” at iba pang batas na may kaugnayan dito tulad ng Code of Conducts and Ethics of Public Officers and members.
Sobra-sobra ang BATAS, pero hindi ito ipinatutupad dahil sa “katamaran” at kakapusan ng inobasyon at TALINO ng mga kinauukulan.
Tama po ba o mali?
---30----

0 Comments:
Post a Comment
<< Home