Salary increase in 2011
Salary increase in 2011
(Editorial message, Bulgar newspaper for jan 05 issue)
MAGANDANG balita!
Ipinahayag mismo ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na natapos na ang diskusyon at deliberasyon ng lahat ng Regional Wage Boards kaugnay sa isyu ng wage increase.
Nagpahiwatig siya na magkakaroon ng dagdag suweldo ang mga obrero.
Maaaring ilabas ng regional wage boards ang kanilang rekomendasyon anumang araw kung saan pinagbatayan nila ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Pero, hindi nilinaw ng DOLE kung gaano ang itaas sa suweldo at wala ring detalye kung ang lahat ng mga obrero sa lahat ng rehiyon ay mabibiyayaan ng dagdag suweldo.
Nangangahulugan ito na kahit papaano, ay makakaasa ang mga obrero na madagdagan ang suweldo.
Gayunman, mas mainam sana ay maglabas ang DOLE ng malilinaw na direktiba kaugnay ng pesteng kontraktuwalisasyon na ipinatutupad nang walang patumangga sa buong bansa.
Nakapagtatakang tahimik ang DOLE kaugnay ng labor-contract scheme na ipinatutupad sa bansa dahil apektado ditto ang NEGOSYO ng mga TOP BILLIONAIRES sa bansa.
Wala ring pagdinig na isinasagawa ang Kongreso upang malaman o matukoy ang kondisyon ng mga obrero.
Mas okey sana na paliitin o bawasan ang “walong oras” na itinatakda sa Labor Code at gawin na lamang na “anim na oras” ang pagtatrabaho.
Yung dalawang oras na matitipid ay magagamit ng mga manggagawa sa MAS KAPAKI-PAKINABANG na aktibidad kung saan maaari silang magnegosyo o gumawa ng mapagkakakitaan matapos ang regular working hours.
Ipagdasal nating makaisip ng inobasyon ang DOLE para sa kapakanan ng mga manggagawa sa taong 2011.
----30----

0 Comments:
Post a Comment
<< Home