Monday, January 03, 2011

Hulaan ang sarili sa 2011

YOURSELF IN YEAR 2011?

(Bistado column, Bulgar newspaper for jan 05 issue)

TULAD ng binanggit natin sa bungad ng taon, hindi na mapigil ang malalaking pagbaha sa Bikol, Visayas at Mindanao.
Epekto ito mismo ng 2011.
Batay sa “sinaunang kalendaryo” ng mga MAGSASAKA, “BIBILANGIN” ang mga araw mula Enero 1 hanggang 12—katapat ng mga buwan ang bawat araw—mula Enero (unang araw) hanggang Disyembre (ika-12) araw; at pabalik mula Enero 13 (Disyembre uli) hanggang Enero 24 (katumbas ang buwan ng Enero).
Tradisyonal na minamarkahan ng MATATANDA ang mga “bibilanging araw” na iyan upang “mai-PREDICT” ang “lagay ng panahon”.
Paano ito ginagawa?
Iyan an gating tatalakayin ngayon.

-----$$$---
KUNG ano ang nakitang lagay ng panahon sa unang araw (Enero 1) at sa Enero 24 –iyan mismo ang magaganap o mararanasang “klema” sa kabuuan ng Enero.
Kung ano ang ma-obserbahan lagay ng panahon sa petsang Enero 2 at Enero 23—iyan mismo ang magaganap sa buong buwan ng Pebrero, 2011.
Kung ano ang maitalang lagay ng panahon sa Enero 3 at Enero 22—iyan ang mararanasan sa buwan ng Marso, 2011.
Sundan ang sistemang iyan—at makikita natin ang magiging PREDIKSIYON sa mga buwan na susunod—Abril hanggang Disyembre.
Tulad kahapon, Enero 4 ay makulimlim, kapag sa Enero 21 ay nagging makulimlim din o LUMAKAS ang patak ng ulan, asahan ang maulan na Abril.
Ngayon araw na ito, Enero 5 ay katumbas ng Mayo, 2011 pero kailangang antayin natin ang magiging lagay ng panahon sa Enero 20—upang malaman natin kung magkakaroon ng MATITINDING ULAN o malaking pagbaha sa buwan ng Mayo.
Tradisyonal na ginagawa ito ng mga MAGSASAKA sa sinaunang panahon ditto sa Pilipinas.
Bibilangin ang tawag nila.
Isang bahagi ito ng FARMER’S ALMANAC, pero hindi ito sinasaliksik ng PAGASA Weather Station kahit pang-TRIVIA man lamang.

----$$$--
ANG estilong pagtaya sa lagay ng panahon batay sa sistemang “BIBILANGIN” ay siyang nagpauso ng DAMBUHALANG COMMERCIAL CALENDER tulad ng ipinamamahagi ng BULGAR Newspaper taon-taon.
Malalaki kasi ang NUMERO sa kalendaryong ito na nakasulat sa MALAKING SQUARE kaya’t may ESPASYO para MAGTALA ng maoobserbahang LAGAY ng panahon.

-----$$$---
SA totoo lang, batay sa personal nating karanasan, ang naturang “BIBILANGIN” sa pagtaya ng panahon ay maaring gamitin din sa pagpa-PREDICT o PANGHUHULA sa personal mong buhay.
I-diary ninyo ang iyong mararanasan mula Enero 1 hanggang Enero 24—at batay sa sistemang, tinalakay natin sa ITAAS—iyan na rin mismo ang MARARANASAN mong emosyon at mga pangyayari sa buong taon.
Itala ang emosyon at espesipikong pangyayari—at itaya o i-assess o i-evaluate ito bilang “GOOD, BAD o MODERATE”.
Makikita mo o mape-predict mo kung MAMALASIN , kung BUBUWENASIN o neutral lang ang kapalaran mo sa naturang mga buwan ng taong 2011.
Ibig sabihin, ikaw na mismo ang MANGHUHULA sa sarili mo.
At ikaw din ang magsasabi—kung EPEKTIBO o HINDI totoo ang sistemang ito.
Sige, bakit hindi mo subukan.
Kung may tanong kayo , puwede kayong mag-text o magsend ng mensahe sa inyong abang-lingkod: danilo_ambrocio@yahoo.com.
Iyan ang REGALO ko sa inyo sa BAGONG TAON at libre lang po, WALANG BAYAD!!!
Wala po iyan sa LIBRO ng mga hula, orihinal po iyan!!

----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home