Hospital racket: Doctors, nurses, patients willing victims
ITITIGIL ng mga private at public hospitals ang isinasagawang “on-the-job training” sa mga nurses.
Nabunyag kasi ang anomalya nang magsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay ng mga raket ng ospital kung saan sinisingil pa ang mga nursing graduates ng “bayad” habang nagsasagawa ng OJT imbes na sila ang magbigay ng kompensasyon tulad sa OJT sa ibang kurso gaya ng accounting at engineering courses.
Sa naturang pagdinig sa Senado, ibinunyag ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr na nag-ugat ang naturang raket ay dahil may OVERSUPPLY ng nursing graduates sa bansa at sakaling hindi ito maresolba, nanganganib na masira ang KALIDAD ng mga Filipino nurses na “hinahanap” sa iba’t ibang bansa.
Dahil dito, isang magandang balita, ang pagkukusa ng Philippine Hospital Association (PHA) na nagdedeklara kamakalawa na sinususpinde ang “structured medical training” sa lahat ng member-hospital sa buong bansa.
Isinisisi ng PHA ang pagkakabunyag ng naturang “raket” sa reklamo mismo ng Philippine Nursing Association (PNA) kung saan itinuturing nilang PANGONGOTONG ang pagsingil sa OJT ng mga registered nurse gayung dumaan na sila sa proseso ng internship sa panahon ng kanilang pag-aaral.
Inaasahang magbubunga ng sigalot ang isyung ito sa pagitan ng PHA at PNA sa mga susunod na araw.
Ayon naman sa ilang observers, hindi lamang ang mga nurse ang biktima ng ganitong klase ng “pangongotong” kundi mismo ang mga bagong PHYSICIAN o DOCTORS na kailangan ding magbayad sa “pagkuha ng experience” sa mga ospital.
N aghihinala naman ang ilang PASYENTE na marami ang namamatay sa “OPERATING ROOM” dahil pinagpapraktisan lamang ang mga BIKTIMA ng mga “OJT na doctor at nurses” kung saan nagkakamal ng malaking halaga ang mga OSPITAL at MEDICAL DIRECTORS.
May koleksiyon sila sa PASYENTE, may KOTONG pa sila MULA sa mga OJT na mismong nag-OPERA!!!
Sana’y hindi lang nursing profession ang imbestigahan ng KONGRESO kundi maging ang MEDICAL PRACTICE sa malalaking ospital sa Kamaynilaan at iba pang lungsod.
Maaaring makatuklas sila ng KALANSAY habang tinutungkab ang isyu ito.
----30-----

0 Comments:
Post a Comment
<< Home