Sunday, May 07, 2006

Alipin ng emosyon

(for BANDERA, May 08 issue)

Dear David,
NAIS kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong dating sundalo pero nag-AWOL ako. Hindi ko kasi masikmura ang pumatay ng kapwa ko Pinoy. Ayaw ko ring magalit sa akin ang misis ko at nais kong makasama lagi ang mga anak ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Namamasada na lamang ako ng pampasaherong dyip. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Nobyembre 18, 1967.


TONY NG DAVAO CITY
Dear Tony,
NUMBER nine (9) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Venus ang kumokontrol sa iyong buhay. Madalas kang maipit sa sigalot kahit wala kang kasalanan. Masyado kang emosyonal na karaniwang ugat ng mga problema. Sikapin mong makontrol ang simbuyo ng damdamin dahil maaari kang mapahamak. Matuto kang magpasensiya o magpatawad sa mga nagkakasala sa iyo upang makalmante ang loob mo at maipokus mo ang iyong atensiyon sa katuparan ng iyong mga pangarap. Buwenas ka naman sa pamamasada pero dapat ay magsimula ka kahit maliit na negosyo partikular ang pagbibiyahe ng mga produkto. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 19, 27, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Kulay pula at maroon ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No.9 at No.6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET tips: 4-8-7/ 6-9-2/ 1-6-2/ 3-2-6. Wiretips; 2-7-8/ 1-4-6/ 3-5-2. Double digit; 7-9/ 1-4/ 7-3. Luzon guide: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. VisMin: 4-7-11-18-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-8-11-19-33-37-40-42. Four Number; 2-1-4-5/ 7-2-4-2/ 8-4-2-5. Coded tips: blue- red- black/ mercury- saturn- jupiter/ gold- jade- sapphire/ n-a-t.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home