DOLLAR SALTING: LEGAL IN PHL
BISTADO COLUMN, Bulgar newspaper, Jan. 28, 2012 issue, unedited)
INILABAS sa MEDIA na nahuli ng US authorities ang misis ni Sen. Lito Lapid na si Marissa dahil sa pagpu-PUSLIT ng $50,000 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Nakapagtatakang NAKAPOKUS ang mga ulat sa “REGULASYON” ng US na nagbabawal ng ganoong karami at KALAKING HALAGA.
Pero, wala tayong narinig o PAGBUBUNYAG o BATIKOS mula sa malalaking MEDIA OUTFIT sa “RESPONSIBILIDAD” ng PHILIPPINE AUTHORITIES na nagbabantay sa airport—tulad sa IMMIGRATION at CUSTOMS officers.
Bakit?
Kung ano kasi ang ISUPALPAL na balita sa NEWS DESK—ay yun lamang ang IBINABALITA at hindi na sila NAGSUSURI—sa “LIKOD NG MGA BALITA”.
Ibig sabihin, kung nahuli si Mrs. Lapid pag-DAONG ng eroplano sa US—ibig sabihin, NAKALUSOT siya sa DEPARTURE AREA sa NAIA dala-dala ang isang BULTO NG DOLYARES!!
Bakit walang nagsusulong ng AGARANG imbestigasyon kung BAKIT NAKALUSOT sa DEPARTURE AREA—ang gayung kalaking HALAGA.
Sa totoo lang, BAWAL ang gayong kalaking halaga na ILABAS sa “teritoryo ng Pilipinas.
Bakit inakusahan si Mrs. Lapid na LUMABAG sa US law, pero hindi siya INAAKUSAHAN na lumabag sa Philippine law?
-----$$$--
GANYAN din ang nangyari kay ex-Rep. Ronald Singson.
Pagdating sa HONGKONG airport ay nasita siya at napatunayang LUMABAG sa pagdadala ng ILLEGAL DRUGS sa naturang bansa.
Pero sa PILIPINAS, ay wala siyang kaso.
Ibig bang sabihin ay ILLEGAL sa ibang bansa ang PAGDADALA ng illegal drugs pero sa NAIA at departure area ng PILIPINAS ay LEGAL?
Bakit walang KINASUHAN o iniimbestigahan na AIRPORT officials sa kaso ni Singson?
Ngayon, sabit sa kaso si Mrs. LAPID, bakit walang SINISIYASAT na AIRPORT personnel na “nangasiwa o responsible” sa “departure’ ng misis ni Leon Guerero?
Bakit TAMEME ang media?
Bakit ang kanilang ULAT ay nakapokus sa US, at hindi sa PILIPINAS?
Nakapagtataka yan.
----$$$--
LUMALABAS ngayon na ang ILLEGAL sa ibang bansa—ay legal sa Pilipinas.
Illegal sa ibang bansa ang UNREGULATED DRUGS at DOLLAR SALTING, pero sa PILIPINAS—ay hindi ito LABAG sa batas.
Illegal sa ibang bansa ang PIRATED CD, pero sa Maynila ay ipino-PROMOTE pa ito ng GABINETE na nakatambay sa Malacanang.
He, he, he.
---30—