Friday, January 27, 2012

DOLLAR SALTING: LEGAL IN PHL

BISTADO COLUMN, Bulgar newspaper, Jan. 28, 2012 issue, unedited)


INILABAS sa MEDIA na nahuli ng US authorities ang misis ni Sen. Lito Lapid na si Marissa dahil sa pagpu-PUSLIT ng $50,000 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Nakapagtatakang NAKAPOKUS ang mga ulat sa “REGULASYON” ng US na nagbabawal ng ganoong karami at KALAKING HALAGA.
Pero, wala tayong narinig o PAGBUBUNYAG o BATIKOS mula sa malalaking MEDIA OUTFIT sa “RESPONSIBILIDAD” ng PHILIPPINE AUTHORITIES na nagbabantay sa airport—tulad sa IMMIGRATION at CUSTOMS officers.
Bakit?
Kung ano kasi ang ISUPALPAL na balita sa NEWS DESK—ay yun lamang ang IBINABALITA at hindi na sila NAGSUSURI—sa “LIKOD NG MGA BALITA”.
Ibig sabihin, kung nahuli si Mrs. Lapid pag-DAONG ng eroplano sa US—ibig sabihin, NAKALUSOT siya sa DEPARTURE AREA sa NAIA dala-dala ang isang BULTO NG DOLYARES!!
Bakit walang nagsusulong ng AGARANG imbestigasyon kung BAKIT NAKALUSOT sa DEPARTURE AREA—ang gayung kalaking HALAGA.
Sa totoo lang, BAWAL ang gayong kalaking halaga na ILABAS sa “teritoryo ng Pilipinas.
Bakit inakusahan si Mrs. Lapid na LUMABAG sa US law, pero hindi siya INAAKUSAHAN na lumabag sa Philippine law?

-----$$$--
GANYAN din ang nangyari kay ex-Rep. Ronald Singson.
Pagdating sa HONGKONG airport ay nasita siya at napatunayang LUMABAG sa pagdadala ng ILLEGAL DRUGS sa naturang bansa.
Pero sa PILIPINAS, ay wala siyang kaso.
Ibig bang sabihin ay ILLEGAL sa ibang bansa ang PAGDADALA ng illegal drugs pero sa NAIA at departure area ng PILIPINAS ay LEGAL?
Bakit walang KINASUHAN o iniimbestigahan na AIRPORT officials sa kaso ni Singson?
Ngayon, sabit sa kaso si Mrs. LAPID, bakit walang SINISIYASAT na AIRPORT personnel na “nangasiwa o responsible” sa “departure’ ng misis ni Leon Guerero?
Bakit TAMEME ang media?
Bakit ang kanilang ULAT ay nakapokus sa US, at hindi sa PILIPINAS?
Nakapagtataka yan.

----$$$--
LUMALABAS ngayon na ang ILLEGAL sa ibang bansa—ay legal sa Pilipinas.
Illegal sa ibang bansa ang UNREGULATED DRUGS at DOLLAR SALTING, pero sa PILIPINAS—ay hindi ito LABAG sa batas.
Illegal sa ibang bansa ang PIRATED CD, pero sa Maynila ay ipino-PROMOTE pa ito ng GABINETE na nakatambay sa Malacanang.
He, he, he.

---30—

Monday, January 24, 2011

8s en 5's

(Galaw ng numero column, Bandera Newspaper, jan 26 issue, 2011)



Dear David,
ISA ako sa lagging nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong empleado sa isang pribadong kompanya. Baon ako sa utang sa mga kasamahan ko sa trabaho. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. May lima akong anak. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Hulyo 8, 1970. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.



RONNIE NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Ronnie,
NUMBER eight (8) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay itim at gray ang buwenas mo. Makakaranas ka ng matitinding dagok ng buhay, pero kung paano ka makakalusot ditto—ay siya ring dahilan kung bakit may kakayahan kang makaaangat sa pinakamataaas na antas ng pananagumpay! Mabibilis na pagbabago sa buhay ang makararanasan mo kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon nang maayos at malinaw. Hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pamamasukan, bagkus ay magsimula ka kahit maliit na negosyo na siyang magiging pundasyon mo sa pagtatagumpay. Buwenas ka sa agribusiness. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2011, 2012 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 9, 12, 15, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Martes. Sa suertres, isama mo sa No.8 at No. 5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-24-34-37-40-42. ASSET tips: 4-7-1/ 1-7-8/ 2-1-6. Wiretips; 3-6-9/ 1-5-2/ 1-6-2. Double digit: 4-7/ 1-6/ 9-2. Luzon guide: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. VisMin: 3-7-10-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 1-6-11-19-23-24-30-34-40-42. Grand Lotto: 1-5-11-17-23-24-34-36-40-43-50-52. Four Number: 7-2-4-2/ 7-6-2-6/ 8-9-2-5.
----30—

Hospital racket: Doctors, nurses, patients willing victims

ITITIGIL ng mga private at public hospitals ang isinasagawang “on-the-job training” sa mga nurses.
Nabunyag kasi ang anomalya nang magsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay ng mga raket ng ospital kung saan sinisingil pa ang mga nursing graduates ng “bayad” habang nagsasagawa ng OJT imbes na sila ang magbigay ng kompensasyon tulad sa OJT sa ibang kurso gaya ng accounting at engineering courses.
Sa naturang pagdinig sa Senado, ibinunyag ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr na nag-ugat ang naturang raket ay dahil may OVERSUPPLY ng nursing graduates sa bansa at sakaling hindi ito maresolba, nanganganib na masira ang KALIDAD ng mga Filipino nurses na “hinahanap” sa iba’t ibang bansa.
Dahil dito, isang magandang balita, ang pagkukusa ng Philippine Hospital Association (PHA) na nagdedeklara kamakalawa na sinususpinde ang “structured medical training” sa lahat ng member-hospital sa buong bansa.
Isinisisi ng PHA ang pagkakabunyag ng naturang “raket” sa reklamo mismo ng Philippine Nursing Association (PNA) kung saan itinuturing nilang PANGONGOTONG ang pagsingil sa OJT ng mga registered nurse gayung dumaan na sila sa proseso ng internship sa panahon ng kanilang pag-aaral.
Inaasahang magbubunga ng sigalot ang isyung ito sa pagitan ng PHA at PNA sa mga susunod na araw.
Ayon naman sa ilang observers, hindi lamang ang mga nurse ang biktima ng ganitong klase ng “pangongotong” kundi mismo ang mga bagong PHYSICIAN o DOCTORS na kailangan ding magbayad sa “pagkuha ng experience” sa mga ospital.
N aghihinala naman ang ilang PASYENTE na marami ang namamatay sa “OPERATING ROOM” dahil pinagpapraktisan lamang ang mga BIKTIMA ng mga “OJT na doctor at nurses” kung saan nagkakamal ng malaking halaga ang mga OSPITAL at MEDICAL DIRECTORS.
May koleksiyon sila sa PASYENTE, may KOTONG pa sila MULA sa mga OJT na mismong nag-OPERA!!!
Sana’y hindi lang nursing profession ang imbestigahan ng KONGRESO kundi maging ang MEDICAL PRACTICE sa malalaking ospital sa Kamaynilaan at iba pang lungsod.
Maaaring makatuklas sila ng KALANSAY habang tinutungkab ang isyu ito.
----30-----

MASSIVE ORIENTATION IN PNP

(Bistado column, Bulgar newspaper, jan. 26 issue, 2011)

MARAMI ang nag-react sa ating inilabas na editorial kahapon kaugnay ng “maling paghawak” ng mga ebidensiya at pagtrato sa mga SUSPEK na hinahatulan agad bilang “GUILTY” mismo ng pulisya.
Ayon sa pangulo ng 1st APLUMA (Unang Alyansa ng Pambansa’t Pamprobinsiyang Lupon ng Makatao’t Makabayang Mamamahayag) na si Ismael Amigo, dapat daw ay tinukoy na agad natin ang ALTERNATIBONG dapat gawin ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa naturang problema o sitwasyon na hindi gaanong NAPAPANSIN ng mga kinauukulan.
Naniniwala ang 1ST APLUMA na ipinagkikibit-balikat lamang ng DOJ ang naturang sitwasyon.
“DOJ doesn’t care”, text ni Mr. Amigo.

-----$$$--
SIMPLE lang ang DAPAT gawin ng DOJ.
Una, magsagawa muna sila ng “INITIAL ASSESSMENT O evaluation” sa existing “knowledge, skills, at mastery (kung mayroon)” ng bawat IMBESTIGADOR, HEPE at ordinaryong pulis sa ASPEKTO ng “procedure” sa imbestigasyon, pagkuha ng ebidensiya, pag-KUSTODIYA ng suspek at ebidensiya—at kung ano ang DEPINISYON nila tungkol “KUNG ANO ANG ISANG SUSPEK?”
Sa unang hakbang na iyan, madali niyang malalaman kung nasa “TAMA” ang oryentasyon ng LAHAT ng pulis, partikular ang mga IMBESTIGADOR at HEPE sa bawat presinto.
Sa totoo lang, hindi lamang ang DOJ ang dapat mag-asikaso nito kundi maging ang NAPOLCOM—na siya mas may RESPONSIBILIDAD.

-----$$$---
DAPAT ay ipatupad ito sa pakikipagtulungan mismo ng Korte Suprema o mga HUWES at prosecutor o mga retiradong mahistrado o hukom sa BAWAT LUGAR o bawat teritoryo na nasasakop ng MALAWAKANG RE-ORIENTATION PROGRAM.
Hindi kailangan dito ang SEMINAR-WORKSHOP kung saan lumalayo pa ng lugar—at NILULUSTAY ang pondo o naga-ALLOCATE ng salapi ng bayan.
On-the-spot ang “evaluation” at on-site ang “reorientation”.
Ang mga resource persons ay DAPAT bigyan ng “honorarium” o allowances upang maging EPEKTIBO ang programa.
Grabe ang “KAWALAN NG DIREKSIYON” ng pulis at “lihis ang oryentasyon” na MABIBISTO sa isang “honest-to-goodness” on-the-spot assessment test at “PERSONAL INTERVIEW.
Nakapagtatakang walang ganitong PROGRAMA ang DOJ, Napolcom, DILG at Korte Suprema.

------$$$--
MAAARING isabay dito ang “psychological test” o personality assessment sa lahat ng miyembro ng PULISYA upang matukoy kung sino sa mga ito ang may “UNBALANCED PERSONALITY”.
Kumbaga, madaling matutukoy dito ang mga “may sayad, may tama o may topak”.
Nagkakaisa tayo lahat—na laganap ang KRIMEN dahil “alam natin lahat na SANGKOT dito ang ilang ELEMENTO ng pulisya at may BASBAS ito sa ilang SUPERIOR at POLITIKO.
Bakit natin kinukunsinte at hindi ginagawan ng paraan?
Bakit????

------$$$---
HINDI kailangan dito ang “BAGONG BATAS”.
Sa mungkahi sa itaas, kailangan pa ba dito ang bagong Republic Act?
Kailangang lang ipairal ang “regulasyon ng Napolcom, PNP, DOJ at mismong Civil Service Commission law” at iba pang batas na may kaugnayan dito tulad ng Code of Conducts and Ethics of Public Officers and members.
Sobra-sobra ang BATAS, pero hindi ito ipinatutupad dahil sa “katamaran” at kakapusan ng inobasyon at TALINO ng mga kinauukulan.
Tama po ba o mali?

---30----

Monday, January 03, 2011

The 8's and 5's

Otso at singko buwenas mo

(Galaw ng numero column, Bandera newspaper for jan 05 issue)


Dear David,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Hunyo 8, 1980. Isa akong cashier sa isang mall pero maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Panganay ako sa pitong magkakapatid at nakatira lang kami sa squatter area. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.

BELINDA NG DAVAO CITY

Dear Belinda,
NUMBER eight (8) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Madalas kang makaramdam ng pambihirang lungkot at matitinding dagok ng buhay. Nagtataka ka rin kung paano ka nakakalusot sa mga problema. Sa totoo lang, sa katagalan, matutuklasan mo ang susi sa pagresolba ng problema kung saan doon na magsisimula ang iyong pag-unlad sa antas na hindi kayang maabot ng ordinaryong tao. Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay kaya’t magugulat ka sa isang tao na mag-aalok sa iyo ng oportunidad na kumita nang malaki na magaganap sa pagsapit ng mapalad mong taong 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay at pagkakaroon ng sariling bahay at lupa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Kulay itim at abuhin ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No.8 at No.5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-24-34-36-40-42. ASSET tips: 2-1-5/ 7-1-5/ 8-9-4. Wiretips: 3-8-4/ 5-1-4/ 7-2-5. Double digit: 3-6/ 8-2/ 1-5. Luzon guide: 1-11-19-23-25-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-19-23-27-34-36-40-42. MegaLotto: 4-7-11-19-23-25-34-37-40-42. Grand Lotto: 1-12-14-23-24-34-36-40-45-48-50-53. Four Number: 4-6-2-1/ 2-6-2-5/ 7-1-1-3.
----30--

Salary increase in 2011

Salary increase in 2011

(Editorial message, Bulgar newspaper for jan 05 issue)

MAGANDANG balita!
Ipinahayag mismo ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na natapos na ang diskusyon at deliberasyon ng lahat ng Regional Wage Boards kaugnay sa isyu ng wage increase.
Nagpahiwatig siya na magkakaroon ng dagdag suweldo ang mga obrero.
Maaaring ilabas ng regional wage boards ang kanilang rekomendasyon anumang araw kung saan pinagbatayan nila ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Pero, hindi nilinaw ng DOLE kung gaano ang itaas sa suweldo at wala ring detalye kung ang lahat ng mga obrero sa lahat ng rehiyon ay mabibiyayaan ng dagdag suweldo.
Nangangahulugan ito na kahit papaano, ay makakaasa ang mga obrero na madagdagan ang suweldo.
Gayunman, mas mainam sana ay maglabas ang DOLE ng malilinaw na direktiba kaugnay ng pesteng kontraktuwalisasyon na ipinatutupad nang walang patumangga sa buong bansa.
Nakapagtatakang tahimik ang DOLE kaugnay ng labor-contract scheme na ipinatutupad sa bansa dahil apektado ditto ang NEGOSYO ng mga TOP BILLIONAIRES sa bansa.
Wala ring pagdinig na isinasagawa ang Kongreso upang malaman o matukoy ang kondisyon ng mga obrero.
Mas okey sana na paliitin o bawasan ang “walong oras” na itinatakda sa Labor Code at gawin na lamang na “anim na oras” ang pagtatrabaho.
Yung dalawang oras na matitipid ay magagamit ng mga manggagawa sa MAS KAPAKI-PAKINABANG na aktibidad kung saan maaari silang magnegosyo o gumawa ng mapagkakakitaan matapos ang regular working hours.
Ipagdasal nating makaisip ng inobasyon ang DOLE para sa kapakanan ng mga manggagawa sa taong 2011.
----30----

Hulaan ang sarili sa 2011

YOURSELF IN YEAR 2011?

(Bistado column, Bulgar newspaper for jan 05 issue)

TULAD ng binanggit natin sa bungad ng taon, hindi na mapigil ang malalaking pagbaha sa Bikol, Visayas at Mindanao.
Epekto ito mismo ng 2011.
Batay sa “sinaunang kalendaryo” ng mga MAGSASAKA, “BIBILANGIN” ang mga araw mula Enero 1 hanggang 12—katapat ng mga buwan ang bawat araw—mula Enero (unang araw) hanggang Disyembre (ika-12) araw; at pabalik mula Enero 13 (Disyembre uli) hanggang Enero 24 (katumbas ang buwan ng Enero).
Tradisyonal na minamarkahan ng MATATANDA ang mga “bibilanging araw” na iyan upang “mai-PREDICT” ang “lagay ng panahon”.
Paano ito ginagawa?
Iyan an gating tatalakayin ngayon.

-----$$$---
KUNG ano ang nakitang lagay ng panahon sa unang araw (Enero 1) at sa Enero 24 –iyan mismo ang magaganap o mararanasang “klema” sa kabuuan ng Enero.
Kung ano ang ma-obserbahan lagay ng panahon sa petsang Enero 2 at Enero 23—iyan mismo ang magaganap sa buong buwan ng Pebrero, 2011.
Kung ano ang maitalang lagay ng panahon sa Enero 3 at Enero 22—iyan ang mararanasan sa buwan ng Marso, 2011.
Sundan ang sistemang iyan—at makikita natin ang magiging PREDIKSIYON sa mga buwan na susunod—Abril hanggang Disyembre.
Tulad kahapon, Enero 4 ay makulimlim, kapag sa Enero 21 ay nagging makulimlim din o LUMAKAS ang patak ng ulan, asahan ang maulan na Abril.
Ngayon araw na ito, Enero 5 ay katumbas ng Mayo, 2011 pero kailangang antayin natin ang magiging lagay ng panahon sa Enero 20—upang malaman natin kung magkakaroon ng MATITINDING ULAN o malaking pagbaha sa buwan ng Mayo.
Tradisyonal na ginagawa ito ng mga MAGSASAKA sa sinaunang panahon ditto sa Pilipinas.
Bibilangin ang tawag nila.
Isang bahagi ito ng FARMER’S ALMANAC, pero hindi ito sinasaliksik ng PAGASA Weather Station kahit pang-TRIVIA man lamang.

----$$$--
ANG estilong pagtaya sa lagay ng panahon batay sa sistemang “BIBILANGIN” ay siyang nagpauso ng DAMBUHALANG COMMERCIAL CALENDER tulad ng ipinamamahagi ng BULGAR Newspaper taon-taon.
Malalaki kasi ang NUMERO sa kalendaryong ito na nakasulat sa MALAKING SQUARE kaya’t may ESPASYO para MAGTALA ng maoobserbahang LAGAY ng panahon.

-----$$$---
SA totoo lang, batay sa personal nating karanasan, ang naturang “BIBILANGIN” sa pagtaya ng panahon ay maaring gamitin din sa pagpa-PREDICT o PANGHUHULA sa personal mong buhay.
I-diary ninyo ang iyong mararanasan mula Enero 1 hanggang Enero 24—at batay sa sistemang, tinalakay natin sa ITAAS—iyan na rin mismo ang MARARANASAN mong emosyon at mga pangyayari sa buong taon.
Itala ang emosyon at espesipikong pangyayari—at itaya o i-assess o i-evaluate ito bilang “GOOD, BAD o MODERATE”.
Makikita mo o mape-predict mo kung MAMALASIN , kung BUBUWENASIN o neutral lang ang kapalaran mo sa naturang mga buwan ng taong 2011.
Ibig sabihin, ikaw na mismo ang MANGHUHULA sa sarili mo.
At ikaw din ang magsasabi—kung EPEKTIBO o HINDI totoo ang sistemang ito.
Sige, bakit hindi mo subukan.
Kung may tanong kayo , puwede kayong mag-text o magsend ng mensahe sa inyong abang-lingkod: danilo_ambrocio@yahoo.com.
Iyan ang REGALO ko sa inyo sa BAGONG TAON at libre lang po, WALANG BAYAD!!!
Wala po iyan sa LIBRO ng mga hula, orihinal po iyan!!

----30----

Friday, December 31, 2010

Mahusay sa desenyo ang No.7 person

(for Bandera's daily column, GALAW NG NUMERO, jan 02 , 2011 issue)

Dear David,
NAIS ko pong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong security guard pero maliit lang ang suweldo ko. Minsan sumasama rin ako sa raket ng mga kabarkada kong hoodlum pero nakokonsensiya din ako. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1977. Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.

RICHARD NG CEBU CITY

Dear Richard,
MATALAS ang imahinasyon ng tulad mong may mahiwagang No.7 kung saan may natatago kang talento sa pagdedesenyo at maramig pambihirang ideya na magagamit mo sa pagnenegosyo. Kahit nagbabantay ka, maaari ka naming gumawa ng diskarte upang kumita ng ekstra sa pagpapamanupaktura o paggawa ng handicrafts o decorative items.maari ka ring gumamit ng mga junks o used things na ire-recycle mo lamang. Taglay mo rin ang mahiwagang No.3 na nagsasabi na puspos ka ng enerhyia na magagamit mo sa pagtatagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2013 at 2014 kung kalian matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 9, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Kulay berde at asul ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 7 at No.3 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-26-34-40-42. ASSET tips: 4-6-2/ 1-6-2/ 7-1-5. Wiretips; 5-6-1/ 8-7-1/6-3-5/ 1-4-2. Double digit: 4-6/ 8-3/ 5-6/ 1-2. Luzon guide: 1-4-11-17-24-35-40-42. VisMin: 2-5-11-18-23-28-34-36-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-24-30-34-37-40-42. Grand Lotto: 1-5-11-18-23-26-34-38-40-42. Four Number: 6-7-2-3/ 7-6-7-8/ 3-2-3-5.
----30-

Tuesday, December 19, 2006

Imbentor

Dear David,
HIWALAY ako sa asawa pero nag-tig-isa kami ng mister ko sa dalawa naming anak na lalaki. Nalulungkot ako dahil nagtangay ng ibang babae ang asawa ko. Napuwersa na akong mamasukan sa isang department store. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Enero 7, 1972.

ELLA NG CEBU CITY

Dear Ella,
KARANIWANG nahihirapang magdesisyon ang tulad mong may mahiwagang No. 7. Pero mula sa tulong ng ibang tao at kamag-anak, nalalampasan mo ang mga pagsubok. May lihim kang talento at husay sa pagdedesenyo. Kakaiba ang iyong ideya kaya't maaari kang pagsumundan o makalikha ng trend. Okey kung mag-aaral ka na magmodista, gumawa ng mga kendi, tinapay at pagkain. Magsimula ka sa ganyang negosyo at mapapalaki mo ito. Puwede ka nang magnegosyo kahit nagtatrabaho rin ng magkasabay. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay pula kaya't may sobra-sobra kang enerhiya na magagamit sa paghahanapbuhay sa iba't ibang larangan kahit magkakasabay mong ginagampanan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2009 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at muling pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Huwebes at Lunes. Kulay berde at pula ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 7 at No. 9 sa No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-11-18-23-25-34-37-40-42. ASSET tips; 4-3-6/ 7-1-4/ 8-7-3/ Wiretips; 5-7-2/1-7-2/ 7-2-8. Double digit; 2-6/ 9-3/ 1-5. Luzon guide: 1-5-11-18-23-25-34-37-40-42. VisMin: 2-6-11-18-22-28-34-37-40-42. MegaLotto; 2-6-11-18-23-25-34-37-40-42. Four number: 4-3-7-1/ 7-2-1-3/ 8-2-1-2. Coded tips: lapis- papel- krayola/ h-s-t.
(Bandera newspaper, 22dec06)
----30--

Seven n five

(bandera newspaper, 21dec06)

Dear David,
SUKI ako ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1970. May dalawa akong anak na nag-aaral. Isa akong dating OFWs. Pero, nahihirapan na akong mag-abroad ngayon. May stall ako na nagbebenta ng mga cellphone accessories at e-load. Bigyan mo ako ng gabay sa pagatagumpay. Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

FERMIN NG CEBU CITY

Dear Fermin,
NUMBER seven (7) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. May pambihirang talento at ideya ka. Gamitin mo ito sa mga inobasyon at imbensiyon sa negosyo. Ibig sabihin, kailangang gumawa ka ng mga kakaibang estilo ng produkto o marketing strategy upang mapalaki mo ang iyong negosyo. Gayunman, magkakaroon ka pa rin ng oportunidad na makapag-abroad kaya't ituloy mo lamang ang paga-apply. Buwenas ka rin sa pagdedesenyo at mga religious items. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2009, 2012 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 11, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No. 5 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-11-19-23-25-30-34-36-40-42. ASSET tips; 4-3-7/ 8-2-1/ 7-1-9. Wiretips; 6-8-1/ 6-2-8/ 4-5-8. Double digit: 4-7/ 1-7/ 8-3/ 7-3. Luzon guide; 2-5-11-18-23-24-30-34-35-40-42. VisMin: 2-5-11-18-23-25-34-37-40-42. MegaLotto; 3-6-11-18-23-27-34-38-40-42. Four Number: 4-5-8-2/ 1-4-6-2/ 7-2-5-7. Coded tips: Bangkok- Tokyo- Taipei/ mercury- venus- jupiter/ b-a-y.
---30--

Monday, December 18, 2006

Dos, singko (Bandera,numero--20dec06)

Dear David,
LAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Hulyo 2, 1985. Patay ang ama ko na nasawi sa isang aksidente. Natigil ako sa pag-aaral pero may trabaho na ako ngayon sa isang fastfood chain. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ikalawa ako sa pitong magkakapatid. May asawa na ang ate ko. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

EDUARDO NG COTABATO CITY

Dear Eduardo,
NUMBER two (2) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Moon at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Maraming tao ang kusang tutulong sa iyo. Buwenas ka sa mga paglalakbay dahil madali mong magamay ang mga bagong kapaligiran at bagong kaibigan. Mabibilis na pagbabago ang mga magaganap dahil mistulang tinatangay ka ng agos ng buhay. Makakabalik ka sa pag-aaral at matatapos mo ang kurso mo mula sa tulong ng ibang tao. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2009, 2012 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Kulay berde at abuhin ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 2 at No. 5 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-25-34-40-42. ASSET tips: 4-7-3/ 7-8-2/ 2-6-7. Wiretips: 6-8-1/ 8-2-5/ 1-5-2. Double digit: 6-7/ 1-5/ 8-2. Luzon guide: 2-5-11-17-23-25-34-36-40. VisMin: 3-6-11-17-23-24-27-34-36-40-42/ MegaLotto; 1-3-11-18-23-24-26-34-35-37-40-42. Four Number: 2-1-3-5/ 7-2-4-2/ Coded tips: saging- talong- petsay/ kabayo- kalabaw- baka/ f-s-r.
----30--

Sunday, December 17, 2006

Wan n tri

Dear David,
NAGLAKAS-LOOB na akong sumulat upang makahingi ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 1, 1970. Marami akong utang na hindi nababayaran, Natatakot na akong umuwi sa bahay namin kasi'y pinagbabantaan na ako ng mga pinakakautangan ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

JUDE NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Jude,
WALANG duda na makakaangat ka sa buhay—kung kailan, iyan ang dapat mong iplano. Bibihira sa tulad mo ang hindi nagtatagumpay. Pero hindi ka magtatagal sa itaas at muling makakaranas ka ng mga kabiguan. Iyan ang dahilan kung bakit nagiging pesimistiko at mahina ang loob ng mga tulad mong nagtataglay ng mahiwagang No. 1. Taglay mo rin ang mahiwagang No. 3 na nagsasabi na may dugo kang martir, masarap magmahal pero maramdamin at nagtatanim ng poot sa kapwa tao. Manatiling kalmante lahat ng oras upang hindi maapektuhan ng emosyon ang mga desisyon na magsisilbing pundasyon mo sa pagtatagumpay. Hindi ka dapat matakot sa pinagkakautangan mo bagkus ay kausapin mo sila nang masinsinan at ipaliwanag kung paano mo sila mababayaran sa hinaharap sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang seryoso. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw at mga linya ng serbisyo tulad ng rentals at repair shop. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 12, 17, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Sabado. Kulay dilaw at asul ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 1 ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-25-34-36-40-42. ASSET tips: 4-7-1/ 1-4-6/ 7-3-6. Wiretips: 6-8-7/ 6-2-1/ 7-2-8. Double digit: 6-8? 4-7/ 1-5. Luzon guide: 3-6-11-18-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. MegaLotto: 2-6-11-18-23-25-34-37-40-42. Four Number; 3-2-4-7/ 8-2-1-3/ 7-2-1-3. Coded tips: mercury- saturn- neptune/ dog- tiger- elephant/ n-s-f.
-------30--