Tuesday, October 04, 2005

No.7, No.1

Bandera (06Oct05)

Dear David,

NAIS kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong titser sa isang pre-school pero maliit lang ang suweldo ko at madalas akong mapaaway sa mga magulang lalo na sa pagbibigay ng grado. Gusto ko nang tumigil pero mahirap maghanap ng trabaho. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Abril 7, 1970.


JOSELITO NG CEBU CITY

Dear Joselito,

NUMBER seven (7) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay berde at dilaw ang buwenas mo. Buwenas ka sa lahat ng negosyo na ginagamit ng imahinasyon partikular ang pagdedesenyo o pagiging artist. Ibig sabihin, matalas ang iyong imahinasyon na dapat mong malinang. Kung isa kang titser, puwede kang magnegosyo ng sarili mong tutorial classes na pambata o kahit pre-schoolers class pero lagyan mo ng inobasyon at dekorasyunan mo ang silid-aralan ng nakaaakit na drowing pambata--iyan ang magpapaangat sa iyong buhay, at enjoy na enjoy ka. Kulayan mo ang paligid ng berde at dilaw at maglagay ng sariwang halaman. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 15, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Sabado at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No. 1 ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa 5, 9, 12, 17, 23, 27 at 40. ASSET tips:4-8-2/ 1-5-9/ 6-7-4. Wiretips; 3-2-6/ 6-8-3/ 1-5-6. Double digit; 4-8/ 2-6/ 9-3/ Luzon guide: 2-11-18-23-25-34-37-40-42. VisMin: 4-7-11-19-23-28-37-40-42. MegaLotto; 3-7-11-19-22-29-34-36-40-42. Four Number; 3-2-3-7/ 8-2-3-2/ 4-2-7-1. Coded tips: sampaguita- gumamela- rosal/ baboy- baka- kalabaw/ m-a-t.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home