Friday, October 21, 2005

buwenas

bandera (23Oct05)

Dear David,

REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 4, 1970. Isa akong security guard pero maliit lang ang suweldo ko at naboboring na ako sa trabahong ito. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Binata pa ako at nangangarap na makabalik ako sa pag-aaral sa kolehiyo bago ako mag-asawa. Nag-stowaway lang ako. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay at numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ALBERTO NG CEBU CITY

Dear Alberto,

NUMBER four (4) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Venus ang kumukontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at maroon ang buwenas mo. May kakaiba kang suwerte na wala sa ordinaryong tao. Kailangan mo makalmante upang mahigop mo ang dambuhalang buwenas .Masyado kang emosyonal kaya't nalalayo ka sa praktikalidad at nabubulag sa katotohanan ng buhay. Huwag kang mag-aalala kasi'y may isang dating kaibigan ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad na kumita nang malaki na magpapasimula ng iyong pag-unlad. Magaganap ito sa pagsapit ng mapalad mong taong 2007, 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagtatapos sa pag-aaral, matatag na trabaho at pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 6, 12, 15, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 6 ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-28-34-37-40-42. ASSET tips: 3-5-8/ 1-2-5/ 8-2-4/ Wiretips: 3-8-1/ 7-8-2/ 1-2-5/ 8-2-1. Double digit: 7-8-9/ 1-3-5/ 8-9-2. Luzon guide: 2-6-11-17-23-27-34-37-40-42.VisMin: 2-6-11-18-23-26-34-38-40-42.MegaLotto: 2-6-11-18-22-28-34-38-40-42. Four Number: 3-2-3-2/ 7-1-3-6/ 1-2-5-7/ 7-8-2-1. Coded tips: mangga- saging- papaya/ bubuyog- gagamba- paruparo/ b-a-r.
---30---

Tuesday, October 18, 2005

si putol

Bandera (20Oct05)

Dear David,

PUTOL ang aking kaliwang paa dahil sa komplikasyon sa sakit kong diabetes. Dahil ditto nawalan ako ng trabaho pero nakapagtayo ako ng maliit na sari-sari stores mula sa nakuha kong separation pay. Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970. May tatlo akong anak na nag-aaral. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwede kong tayaan sa jai alai at lotto?

DARIO NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Dario,

NUMBER eight (8) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Jupiter ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Buwenas ka sa kulay itim at asul. Tipikal sa tulad mong sinasaniban ng mahiwagang No.8 ang makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero sakaling malampasan mo ang mga pagsubok na ito, makakaangat ka sa pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Kailangang mag-concentrate ka lamang sa iisang bagay o larangan kaya’t dapat mong isakripisyo ang ilang sitwasyon na walang kaugnayan sa katuparan ng iyong ambisyon sa buhay. Masyado kang emosyonal peo dapat mong makontrol ito upang hindi ka mapahamak. Dahil ditto, maaari kang makaangat sa negosyo sa larangang serbisyo tulad sa repair, rentals o passenger vehicles ventures. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006, 2007, 2010 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Marso, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No.8 at No.3 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42. ASSET tips: 3-7-1/ 1-2-7/ 8-2-3/ 4-3-6. Wiretips: 3-6-4/ 1-3-5/ 8-3-5/ 8-3-4. Double digit: 6-3/ 5-7/ 1-3/ 6-6/ Luzon guide: 4-8-11-19-23-27-30-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-20-22-28-34-37-39-42. MegaLotto: 3-7-11-19-34-37-40-42. Four Number: 3-4-3-4/ 7-8-2-1/ 1-3-5-2/ 7-8-2-2. Coded tips: suman- puto- kutsinta/ sampaguita- camia- orchid/ b-r-a.
---30---

Tuesday, October 11, 2005

por n payb

Bandera (12Oct05)


Dear David,

NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Pebrero 22, 1970. Isa akong office clerk pero walang asenso dahil minimum pa rin ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ano ba ang buwenas kong taon, buwan at petsa?

RAMIRO NG TAGUM CITY

Dear Ramiro,

NUMBER four (4) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at gray ang buwenas mo. Sa totoo lang, may matatanggap kang pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Pero makakamit mo lamang ito kapag ikaw ay nakalmante o napanatag sa gitna ng maraming problema sa iyong buhay. Maraming suliranin mo ang kusang malulutas kapag nakalmante ka pero kapag nag-panic, magkakabuhol-buhol ang iyong problema at magmimistulang pinagtatakluban ka ng langit at lupa. Buwenas ka sa labas ng bahay tulad sa pagbibiyahe o paglalako ng mga produkto. Sikapin mong magpundar ng sasakyan kasi'y iyan ang susi ng iyong pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. ASSET tips: 3-7-6/ 1-2-4/ 8-9-3. Wiretips: 3-2-5/ 8-3-1/ 2-6-1/ 7-8-3. Double digit: 4-8/ 3-6/ 2-6/ 9-3. Luzon guide: 2-7-11-19-23-28-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-19-22-29-34-38-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. Four Number: 4-6-4-2/ 1-2-5-7/ 8-2-3-2/ 3-2-3-6. Coded tips: bagoong- buro- ensalada/ ipis- gagamba- tipaklong/ j-a-r.
----30--

Monday, October 10, 2005

fayb n seben

Bandera (11Oct05)


Dear David,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 5, 1978. Isa akong waitress sa isang restaurant pero lingid sa mga kasamahan ko sa trabaho at pamilya namin, nakikipag-date ako nang lihim sa mayayamang kustomer. Gusto ko nang tumigil sa ganitong trabaho, ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


DELILAH NG BACOLOD CITY


Dear Delilah,

NUMBER five (5) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Buwenas ka sa kulay gray at green. Madali kang maimpluwensiyahan ng paligid kaya't dapat na pinipili mong mabuti ang mga tao na lagi mong kasama.Madaling mabuyo ka sa kapaligiran na ginagalawan pero sa totoo lang, naririyan din ang iyong buwenas at malalaking oportunidad na magagamit mong tungtungan sa pag-unlad.Ibig sabihin, hindi masama ang makipagrelasyon—pero tiyak mong ligtas ang iyong kalusugan at ikaw ang makikinabang sa aspektong materyal. Magpundar ka hangga't nanatiling kang malusog at may “dating”--malilipasan ka ng panahon.Gayunman, isang may kayang lalaki ang mag-aalok sa iyo ng kasal na hindi mo na dapat palagpasin pa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing buwan ng taong ito, 2005 pero buwenas ka rin sa taong 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo.Buwenas ka sa mga modernong teknolohiya tulad ng computer, cellphones at compact discs. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8,12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No.7 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-22-29-34-37-40-42. ASSET tips: 3-7-2/ 1-3-6/ 8-9-6/ 1-6-2. Wiretips: 3-2-6/ 8-2-1/ 1-3-7. Double digit: 3-7/ 3-6/ 4-1/ Luzon guide: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-34-38-40-42. MegaLotto: 1-3-7-11-18-23-26-34-38-40-42. Four Number: 3-3-7-2/ 6-8-3-2/ 1-3-5-2. Coded tips: sili- bawang- luya/ manok- pato- baboy/ m-a-t.

--30---

Sunday, October 09, 2005

siks n tri

Bandera (10Oct05)


Dear David,

BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong salesclerk sa isang department store pero maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Abril 6, 1982. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

HONEY NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Honey,

NUMBER six (6) at three (3) ang mahihiwagang numero mo. Buntala ng Venus at Jupiter ang
kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay maroon at blue ang buwenas mo. Kapwa malakas ang naturalesa ng iyong mahihiwagang numero kaya't malaki ang tendensiya na sumubra ang tiwala mo sa sarili mo na maaaring maging dahilan ng iyong kabiguan.Gawin mo lang simple ang mga pangarap at tiyak na magtatagumpay ka. Masyado kang emosyonal kaya't dapat na makontrol mo ito upang hindi ka mapahamak. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo tulad ng passenger vehicles, rentals at repair center. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010, at 2013 kung saan matutupad mo ang maraming pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 22, 28 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No.6 at No. 3 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 11, 17, 23,v 26, 34, at 40. ASSET tips: 4-6-2/ 1-3-7/ 8-2-3/ 8-9-2. Wiretips: 4-3-7/ 1-2-5/ 8-2-4. Double digit: 7-2/ 1-5/ 8-3. Luzon guide: 4-7-11-19-23-28-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42. MegaLotto: 2-6-11-19-22-29-34-38-40-42 . Four Number: 5-2-3-7/ 1-2-6-2/ 1-5-6-2. Coded tips: ampalaya- patola- upo/ paruparo- bubuyog- gagamba/ b-a-r. ----30--

Saturday, October 08, 2005

for n nayn

Bandera (09Oct05)

Dear David,

MADALAS akong magbasa ng kolum mo at nais ko ring magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 4, 1980. Kahera ako sa isang fastdfood chain pero maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

CECILLE NG CEBU CITY

Dear Cecille,

NUMBER four (4) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Mars ang kumokontrol sa iyong pagkatao.Buwenas ka sa kulay dilaw at pula. Sa totoo lang, may pambihirang buwenas na matatanggap ka sa pagsapit ng mapalad mong taong 2007 at 2008 kung saan matutupad mo ang maraming pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga bagay na may kaugnayan sa sikat ng araw at may mahihigpit na kumpitensiya tulad ng mga seasonal products. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 9 ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-10-11-17-23-28-34-37-40. ASSET TIPS: 2-6-4/ 10-5-2/ 6-8-2/ 1-3-6.Wiretips: 3-7-5/ 8-9-3/ 1-3-5. Double digit: 5-9/ 3-6/ 5-1/ Luzon guide: 2-7-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 4-7-11-19-23-27-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 1-2-2-2/ 8-9-2-2. Coded tips: manok- baka- ahas/ salamin- bakal- papel/ b-a-t.
---30--

Friday, October 07, 2005

wan n fayb

Bandera (08Oct05)

Dear David,
DATI akong nagtrabaho sa ibang bansa pero unti-unting naubos ang pundar ko at ngayon ay nais ko muling magbalik sa abroad. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ipinanganak ako noong Mayo 1, 1970. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

GENER NG TACLOBAN CITY

Dear Gener,

NUMBER one (1) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Sun at Mercury ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at gray ang buwenas mo. May sapat kang lakas at resistensiya upang magtagumpay. Malalampasan mo ang lahat ng pagsubok. Ang kabiguan ay bahagi ng iyong kapalaran kaya’t dapat na masanay kang tumanggap ng kabiguan na siyang magagamit mong bertud upang hindi ka matakot na magtangka kahit sa mga malaimposibleng pangarap.Paramihin mo ang iyong mga kaibigan dahil magmumula sa kanilang hanay ang taong tutulong sa iyo upang maabot mo ang katuparan ng iyong pinakamataas na pangarap. Buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay dahil likas kang mahilig sa pakikipagsapalaran. Buwenas ka sa negosyo na nagbibiyahe. Walang duda na matutuloy ka sa muling pangingibang bansa kasi’y naroon talaga ang maganda mong pangarap. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 1 at No. 5 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-15-19-22-29- 30-35-38-40-42. ASSET tips: 4-7-1/ 1-5-9/ 4-6-2/ 1-2-4. WiretipsP: 3-5-1/ 7-9-3/ 1-3-5/ 8-2-4. Luzon guide: 3-7-11-15-19-23-28-30-34-38-40-42. VisMin: 4-8-9-11-19-23-28-30-34-37-40-42. MegaLotto: 4-7-10-13-20-27-34-38-40-42. Four Number; 3-2-3-7/ 7-8-2-4/ 1-3-6-8/ 9-0-2-2. Coded tips: kamyas- sampalok- bayabas/ bangus- lapulapu- talakitok/ n-a-t.
----30---

Tuesday, October 04, 2005

No.7, No.1

Bandera (06Oct05)

Dear David,

NAIS kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong titser sa isang pre-school pero maliit lang ang suweldo ko at madalas akong mapaaway sa mga magulang lalo na sa pagbibigay ng grado. Gusto ko nang tumigil pero mahirap maghanap ng trabaho. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Abril 7, 1970.


JOSELITO NG CEBU CITY

Dear Joselito,

NUMBER seven (7) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay berde at dilaw ang buwenas mo. Buwenas ka sa lahat ng negosyo na ginagamit ng imahinasyon partikular ang pagdedesenyo o pagiging artist. Ibig sabihin, matalas ang iyong imahinasyon na dapat mong malinang. Kung isa kang titser, puwede kang magnegosyo ng sarili mong tutorial classes na pambata o kahit pre-schoolers class pero lagyan mo ng inobasyon at dekorasyunan mo ang silid-aralan ng nakaaakit na drowing pambata--iyan ang magpapaangat sa iyong buhay, at enjoy na enjoy ka. Kulayan mo ang paligid ng berde at dilaw at maglagay ng sariwang halaman. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 15, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Sabado at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No. 1 ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa 5, 9, 12, 17, 23, 27 at 40. ASSET tips:4-8-2/ 1-5-9/ 6-7-4. Wiretips; 3-2-6/ 6-8-3/ 1-5-6. Double digit; 4-8/ 2-6/ 9-3/ Luzon guide: 2-11-18-23-25-34-37-40-42. VisMin: 4-7-11-19-23-28-37-40-42. MegaLotto; 3-7-11-19-22-29-34-36-40-42. Four Number; 3-2-3-7/ 8-2-3-2/ 4-2-7-1. Coded tips: sampaguita- gumamela- rosal/ baboy- baka- kalabaw/ m-a-t.
---30---

Sunday, October 02, 2005

eyt n nayn

Bandera (03Oct05)

Dear David,

MADALAS akong magbasa ng kolum mo at nais ko ring magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinangaak ako noong Nobyembre 17, 1970 . Hiwalay ako sa asawa kasi'y napabayaan ko ang pamilya ko nang ma-abroad ako. May dalawa akong anak na tinangay ng misis ko, pero hindi ko pa rin sila makita. Sa ngayon ay isa akong ordinaryong empleado lamang at hindi ko magawang hanapin sila. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan mo ako ng masusuwerteng taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ADRIAN NG CEBU CITY

Dear Adrian,

NUMBER eight (8) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Mars ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Buwenas ka sa kulay itim at pula. Karaniwang nakakaranas ng matitinding dagok ng buhay ang tulad mong nagtataglay ng mahiwagang No.8. Pero kung matututuhan mong tanggapin ang mapapait na karanasang ito at magkakaroon ng konsentrasyon sa iisang larangan lamang, walang duda na mararating mo ang tugatog ng tagumpay na hindi kayang maabot ng ordinaryong tao. Kailangang matuto kang disiplinahin ang sarili at magkaroon ka ng malinaw at espesipikong mithiin sa buhay. Ang No.9 ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob pero ang sobrang tiwala sa sarili ay siya mismong nagtutulak sa iyo upang mabigo. Dapat na maging praktikal ka at simplehan lang ang mga pangarap. Walang duda na makikita mo ang iyong nawawalan pamilya at magaganap ang reunyon sa pagsapit ng mapapalad mong taong 2006 at 2007 kung saan matutupad din ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Nobyermbre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 13, 27, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 8 at No.9 ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET tips: 3-7-8/ 3-2-6/ 7-8-3. Wiretips: 3-5-8/ 6-9-3/ 1-3-6. Double digit: 4-8/ 2-6/ 1-5. Luzon guide: 2- 7-11-19-23-28-34-38-40-42. VisMin: 2-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-22-28-34-37-40-42. Four Number: 4-3-7-9/ 1-2-5-6/ 8-2-2-1. Coded tips: red- black- blue/ tilapia- dalag- bangus/ n-a-r.
----30---