Monday, August 29, 2005

Buwenas ng vendor

Bandera (30Aug05)

Dear David,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 13, 1970. Isa akong vendor sa bangketa pero maliit lang ang kita. Gayunman, napag-aral ko ang aking mga anak kaya’t baon ako sa utang ngayon. Nakasanla an gaming mga ari-arian. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


ALFONSO NG CEBU CITY

Dear Alfonso,
NUMBER four (4) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Jupiter ang kumokontrol sa iyong buhay. Kulay dilaw at asul ang buwenas mo. Dapat ay pumasok ka sa negosyo na may kaugnayan sa services o mga produkto na may kaugnayan sa sikat ng araw. Puwesto sa bangketa na nasisinagan ng araw sa umaga . Gumising ka nang maaga upang buwenasin ka. Magsuot ka lagi ng kulay dilaw at asul. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at pagkakabayad sa mga utang. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 3 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET TIPS: 3-5-8/ 1-2-5/ 7-8-2/ 3-2-6. Wiretips: 3-7-8/ 2-1-6/ 7-8-2/ 2-5-1. Luzon guide: 2-7-11-19-23-28-34-39-40-42. VisMin: 2-8-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-2-5-1/ 5-2-5-2/ 1-2-5-8/ 7-8-2-2. Coded tips: mangga- santol- kamatsile/ puto- kutsinta- dinuguan/ n-a-d.
---30--

Friday, August 26, 2005

mystics 8 & 2

Bandera (27aug05issue)

Dear David,
GUSTO ko ring sanang magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1960. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Isa akong dating bilanggo pero nagbagong buhay na ako. Natakot at nahiya na akong magbalik sa orihinal kong pamilya upang hindi ko na sila mabigyan ng kahihiyan sa mga taong mas mataas na pagtingin sa aking mga anak na pawang mga binata at dalaga na. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. May isa akong anak sa bago kong pamilya at isa akong pedicab driver. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

DANTE NG TALISAY, CEBU

Dear Dante,
NUMBER eight (8) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay., Buntala ng Saturn at Moon ang kumukubabaw sa iyo. Buwenas ka sa kulay itim at berde. Maraming pangarap mo rin ang matutupad bagaman ang iyong pagkabilanggo ay mula sa impluwensiya ng iyong mahiwagang No.8 kung saan ang mga taong nagtataglay nito ay natatangay ng pusok ng damdamin sa panahon ng kabataan. Sa panahon ng iyong maturidad, ay unti-unti kang makakaangat dahil mapupuwersa kang disiplinahin ang iyong sarili at mag-concentrate sa iisang larangan lamang. Wala kang dapat ipag-alalala dahil makakarekober ka at makapagpupundar ng kayamanan kung saan magkakaroon ka ng oportunidad na makaunyon ang iyong orihinal na pamilya sa panahon ng pagtanda. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006, 2009 at 2011 kung saan matutupad ang iyong mga pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo.
ASSET TIPS: 2-6-1/ 7-8-2/ 2-4-1. Wiretips: 3-2-6/ 8-9-2/ 1-2-5. Double digit; 5-9/ 2-5/ 7-2. Luzon guide: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-27-34-39-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-25-34-38-40-42.Coded tips: kangkong- sitaw- bataw/ bibe- manok-ibon/ j-a-r.
---30--

Friday, August 19, 2005

Mystics 3 and 5

Bandera(20Aug05issue)

Dear David,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Enero 21, 1972 Isa akong timekeeper sa isang construction site pero maliit lang ang suweldo ko. Self supporting student ako dahil walang trabaho ang mga magulang ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.
ENRICO NG KORONADAL CITY

Dear Enrico,
NUMBER three (3) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Mercury ang kumukubabaw sa iyo. Kulay blue at gray ang buwenas mo. Martir at may dugo kang bayani, masarap magmahal at sobrang emosyonal ang mararanasan mo dahil sa impluwensiya ng No.3. Pero, may matibay kang paninindigan at kung ano ang iyong paniniwala kahit mali sa pananaw ng iba, ay tiyak na ipakikipaglaban mo hanggang sa hukay! May kakayahan kang magsakripisyo ng sarili mo kung nakataya ang kaligayahan ng iyong mga minamahal. Masuwerte ka sa negosyo na may kaugnayan sa serbisyo-publiko dahil sa iyong likas na pagiging matulungin sa kapwa. Epektib sa iyo ang rentals, repair shop at restaurant. Makakatapos ka ng pag-aaral kahit pa dumanas ka ng ibayong pagsubok—dahil nasa pagtitiis at pagtitiyaga mismo ang iyong kaligayahan. Mas gusto mo ang nasusubok ang iyong husay at pagkatao. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo.
Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 5 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET TIPS: 3-7-1/ 2-6-8/ 3-2-6. Wiretips: 3-7-8/ 8-9-2/ 1-2-4. Double digit: 5-8/ 1-4/ 7-7/ 9-2. Luzon guide: 3-7-11-19-22-29-33-39-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-6-11-19-23-24-26-34-37-40-42. Four Number: 3-2-6-2/ 6-8-2-3/ 7-8-1-1/ 4-2-1-2. Coded tips: kangkong- sitaw- bataw/ manok- bibe- daga/ n-a-r.
---30--

Thursday, August 18, 2005

No. 9 ng driver

Bandera (19Aug05)

Dear David,
ISA akong driver mechanic at maliit lang ang suweldo ko bilang maintenance sa isang talyer . Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Mayo 27, 1970. May dalawa akong anak na nag-aaral. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Pangarap kong magtayo ng sarili kong talyer, magawa ko kaya ito? Ano ba ang buwenas na desenyo sa logo? Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang buwenas kong kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto?
ZANDRO NG TAGUM CITY

Dear Zandro,
NUMBER nine (9) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Uranus,.Kulay pula at dilaw ang buwenas mo. Mapapagitna ka sa maraming intriga at eskandalo pero malalampasan mo ang mga pagsubok. Umiwas ka sa sigalot, kasi’y maaaksaya nito ang iyong mahahalagang oras at araw sa pakikipag-away nang walang katuturan kung saan hindi mo naman magagamit upang kumita ka nang malaki at delikadong maubos pa ang naipundar mo sa serye ng mga kaso na maaari mong makaharap kung hindi ka mag-iingat. Gumamit ka ng nagkakarerang kabayo sa logo ng desenyo kung saan katunggali rin nito ang isang kotse na kulay pula—yan ang gamitin mong logo sa talyer na pangarap mo. May naghihintay sa iyo na pambihirang buwenas sa taong 2007, 2008 at 2011 partikular sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Setyembre lalo na sa mga petsang 6, 9, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes.
Sa jai alai, isama mo sa No. 9 at No.4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-30-35-39-40. ASSET TIPS: 3-2-6/ 1-3-6/ 8-3-1/ 7-8-1/ Wiretips: 4-7-2/ 6-8-2/ 2-5-8/ 5-2-8. Double digit: 7-2/ 1-5/ 7-9. Luzon guide: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42. VisMin: 3-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 3-7-11-17-23-24-34-37-40-42. Four Number: 3-2-2-5/ 7-2-4-1/ 7-8-2-2. Coded tips: talong-upo-kamatis/ blue- green- black/ mercury-mars-jupiter/ n-r-y.
-----30--

Friday, August 05, 2005

Lucky 4 & 1

Bandera (26aug05issue)

Dear David,
NAIS kong magkaroon din ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 4, 1969. May apat akong anak na nag-aaral. Isa lamang akong ordinaryong empleado. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan mo ako ng masusuwerteng taon, buwan at petsa? Ano ba ang suwerte kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

SAMMY NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Sammy,
NUMBER four (4) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Sun ang kumukubabaw sa iyo. Kulay dilaw ang buwenas mo. Sa totoo lang, marami kang plano na matutupad kung hindi lamang masisira ang iyong diskarte. Kailangan mo ng isang tagabuyo o inspirasyon upang lampasan ang mga pagkilos, madali kang umaatras at nagniningas-kugon lamang sa mga proyekto. Puwede mong gamiting bertud ang mismong sikat ng araw. Gumising ka sa madaling araw tuwing may malaki kang problema at papasuking transaksiyon, tiyakin mong ikaw ang unang masisikatan ng araw sa inyong lugar sa pagpuwesto sa pinakamataas na gusali.Iyan ang magbibigay sa iyo ng pampabuwenas sa araw na iyan.Buwenas ka sa negosyo na ang mga produkto ay kulay dilaw tulad ng prutas—hinog na saging, papaya, kahel, lansones at iba pa! Buwenas ka sa rin sa mga dried products tulad ng tuyo, tinapa at daing. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taongt 2008 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 9, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes.
Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 1 ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-36-40-42. ASSET tips: 4-7-2/ 1-2-6/ 8-2-4. Wiretips: 3-6-1/ 6-2-4/ 2-1-6/ 7-9-2. Double digit: 4-8/ 2-5/ 3-7. Luzon guide: 4-8-11-19-23-27-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-18-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 3-7-11-18-23-26-34-38-40-42. Four Number: 2-1-2-5/ 6-8-2-2/ 7-8-2-1. Coded tips: palay- mais- munggo/ kalapati- kilyawan- loro/ m-a-t.
---30---